^

Dr. Love

Babaeng pang-habang buhay

-

Dear Dr. Love,

Kamusta po kayo? Lumiham po ako para humingi ng inyong mahalagang payo tungkol sa pag-ibig.

Ako po si Al Trono, 34 years old, binata at tubong Lutoban, Zamboangita Negros Oriental. Sa kasalukuyan po, narito ako sa pambansang piitan dahil sa kasong frustrated homicide.

Bagaman isa akong bilanggo, mayroon din naman akong pangarap sa buhay at ito ay makatagpo ng isang babaeng mamahalin at magmamahal sa akin ng habang-buhay.

Alam kong sa isang tulad kong bilanggo, ang mga kababaihan ay ilag makipagkaibigan at magpaligaw dahil sa pangambang ang isang tulad ko ay talagang talamak na masamang tao.

Pero hindi naman po lahat na bilang­go ay masamang tao. Karamihan sa amin, tulad ko, ay naging biktima lang ng mga pangyayari at kung hindi naging maagap ay baka ako naman ang na­patay ng mga taong nais makapang­yari ang kanilang masamang intensiyon.

Ganito po ang insidenteng nag­bunsod kung bakit ako nakulong.

Ang aking nakatatandang kapatid na lalaki ay naging biktima ng pambu­bogbog ng apat katao mula sa aming karatig na barangay.

Kamuntik na pong namatay ang aking Kuya kundi lang siya nadala agad sa ospital. Malaki po ang nagastos sa pagpapagamot ng kapatid ko.

Kaya po nag-file kami ng kaso sa korte. Siguro, iniisip nila na baka ma-convict sila kaya gusto nilang ipaurong ang kaso.

Dahil dito, ako ang napagbuntunan nila ng galit.

Isang umaga, habang ako ay nag­lalakad sa kalsada, biglang may humin­tong isang motor sa aking likuran.

Nang lingurin ko kung sino, naki­lala ko siya ang isa sa mga bumugbog sa kuya ko.

Bigla niya akong tinutukan ng baril. Mabuti na lang at hindi niya ito ipinutok sa akin.

Ang ginawa ko, nagmamadali akong umuwi sa bahay at kumuha ng baril at siya ang tinuluyan kong barilin sa takot kong ako ang mapatay niya.

Mabuti na lang at hindi siya tulu­yang namatay. Kaya ngayon, heto ako, sentensiyadong makulong nang mula anim hanggang 12 taon sa kasong frustrated homicide.

Ayaw kong sabihing iginanti ko ang utol ko sa ginawa nilang pagbug­bog sa kanya.

Unang-una, sinampahan namin sila ng kaso at kami pa nga ang bik­tima ng kanilang harassment para iurong ang demanda.

Kaya nga lang dahil sa hindi ma­iwasang pangyayari ako naman ang nakulong dahil sa nabanggit na pangyayari.

Sa tingin po kaya ninyo, may babae pang magkakagusto sa akin dahil sa nakulong ako?

Salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa liham kong ito at nawa’y sa tulong ng pitak ninyo, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Sumasainyo,

Al Trono

MSC Student Dorm

Bldg. 4 Camp Sampaguita

Muntinlupa City

Dear Al,

Gaya nga nang nabanggit mo, ang isang bilanggo o nabilanggo ay hindi madaling makahanap ng babaeng iibig sa iyo nang hindi nililingon ang pinag­daanan mong karanasan.

Pero sa mga nakakaunawa, alam naman nilang hindi lahat na nabilanggo ay talamak sa masama kundi karami­han ay biktima ng kabiglaanan at maling desisyon.

Kaya pagbutihin mo ang rehabi­litasyon diyan sa loob para madali kang makalaya. Sa uulitin, maging maingat ka sa paggawa ng desisyon.

Huwag kang padalus-dalos para hindi ka magkaproblema.

Sana kinasuhan mo na lang uli ang lalaking iyon kaysa binaril mo dahil sa takot na baka maunahan ka pa niya.

Good luck sa paghahanap mo ng babaeng mamahalin habang buhay.

Magkaroon ka sana ng maraming kasulatan para makatighaw ng pangu­ngulila mo diyan habang pinagsisi­lbi­han mo ang naging hatol sa iyo ng korte.

Dr. Love

AKO

AL TRONO

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR AL

DR. LOVE

KAYA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with