Propesor ang boyfriend
Dear Dr. Love,
Kumusta po, Dr. Love and very pleasant day to you. Just call me Jenna, 19 years-old.
Nag-aaral ako sa isang exclusive Catholic School sa Quezon City. May manliligaw po ako at siya ay ang aking propesor sa English.
Matanda siya sa akin ng walong taon. Lihim ang relasyon namin dahil bawal ang pakikipagrelasyon ng guro sa estudyante sa aming paaralan.
Pero sabi ng propesor na boyfriend ko, wala naman daw masama dahil binata siya. Dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyon ko sa kanya?
Jenna
Dear Jenna,
Morally speaking, walang masama sa relasyon ninyo dahil binata siya at dalaga ka.
Kaso, may mga internal policy sa inyong unibersidad na nagbabawal sa relasyon ng guro at estudyante. Baka mabalitaan iyan ng pangasiwaan ng inyong paaralan at pareho kayong mapasama.
Maging maingat na lang kayo sa pagtatago ng inyong relasyon at iwasang makagagawa ng bagay na lalabag sa moral standard ng paaralan. Isa pa, tiyak mo bang binata ang boyfriend mo? Ito naman ay paalala lang.
Dr. Love
* * *
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. – Dr. Love)
- Latest
- Trending