^

Dr. Love

Sinagot ko ang pagkakasala ng mahal ko

-

Dear Dr. Love,

Hayaan po ninyong batiin ko na kayo ng advance Merry Christmas & Happy New Year!

Sana po masaya ang Pasko ninyo at libre sa lahat ng pighati sa buhay.

Lumiham po ako sa malaganap ninyong column para maibahagi ko ang mapait kong karanasan sa pag-ibig dahil ang aking kabiyak na labis kong minahal ay tumalikod sa sagrado naming matrimonyo at iniwan ang mga anak namin para sumama sa ibang lalaki.

Hindi ko akalain na kataksilan ang isusukli sa akin ng aking asawa matapos kong sagutin ang kanyang pagkakasala kaya nakapiit ako ngayon.

Noon, ang akala ko, mas mabuti pang akong maku­long para hindi mapabayaan ang dalawa naming anak kung siya ang mapipiit sa ginawa niyang kasalanan.

Hindi pala. Pinadama lang pala niya ako para kung mawala na ako sa kanyang landas, magiging malaya na sila ng kanyang kalaguyo.

Matagal na pala akong iniiputan sa ulo ng aking asawa at naging bulag ako sa kanyang mga pagku­kulang sa pamilya.

Ako ang siyang sinisisi ng aking mga magulang at kapatid dahil matagal na nila akong pinaaalalahanan sa hindi nila nagugustuhang gawi niya.

Pero dahil sa laki ng aking pagmamahal sa kanya, hindi ko pinakinggan ang mga sumbong nila.

Huli na ang pagsisi. Malayung-malayo na ang asa­wa ko at marahil, masaya na sila ng lalaking kanyang ipinagpalit sa akin.

Hindi niya inalintana ang kapakanan ng dalawa naming anak. Iniwan nila ang mga ito sa aking ina at nawa­lang parang bula.

May panahon noon na gusto ko nang tapusin ang paghihirap ng loob ko. Pero ang nakapigil lang sa akin ay ang dalawa kong anak.

Sinikap kong kalimutan ang pait na ibinunga ng aking bulag na pag-ibig.

Sa ngayon, nag-aaral po ako dito sa loob at uma­asang magagamit ko ang mga bagong kaalaman sa pagpapakabuti at pagtatayo ng maliit na negosyo sa sandaling makalaya na ako sa piitan.

Salamat sa pagkakamulat ko sa katotohanan sa pamamagitan ng pagtawag sa Panginoon na Siya ko na lang inaasahang tutulong sa akin para mapadali ang aking paglaya.

Nais ko sanang humingi ng pabor sa inyo, ang paglalathala ng liham kong ito para kung mayroong makakabasa nito ay makipagkaibigan sa akin sa panulat.

Maraming-maraming salamat po at muli, Maliga­yang Pasko sa inyong lahat.

Carlos Ytang

Bldg. 4 Dorm 1-B,

Student Dorm, YRC.

Camp Sampaguita,

1776 Muntinlupa City

Dear Carlos,

Isa ring mainit na pagbati at nawa’y maging maligaya ka ngayong Pasko sa pagkakatagpo ng mga bagong kaibigan.

Nang sagutin mo ang ika mo’y pagkakasala ng iyong asawa, lumabag ka rin sa batas sa pagkakanlong ng isang kriminal.

Bagaman hindi mo nabanggit sa iyong liham kung ano ang uri ng paglabag sa batas na ginawa ng iyong asawa, may hinala akong may kinalaman ito sa bawal na gamot.

Guess lang naman ito. Pero huwag mo nang sagutin ang tanong kong ito.

Sana ay umapela ka noon at sinabi ang katotohanan.

Anyways, pagbutihin mo ang rehabilitasyon mo diyan sa loob, ipagpatuloy ang pag-aaral at kung mabibigyan ka ng commutation of sentence sa pagpapakita ng pag­babago at kabutihang asal, mas mainam.

Lahat ng tao, mayroon mang pagkakasala, ay bini­big­yan ng bagong pagkakataong magpakabuti para makabalik muli sa lipunan.

Huwag mo ring kaligtaang tumawag sa Panginoon at tutulungan ka Niya sa anumang problemang kinakaharap mo sa buhay.

Huwag kang mawawalan ng pag-asa.

Dr. Love

AKING

AKO

CARLOS YTANG

DEAR CARLOS

DR. LOVE

HAPPY NEW YEAR

PASKO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with