Dear Dr. Love,
Musta na po Dr. Love? Hope this letter gets into your hand na ikaw ay nasa mabuting kalusugan.
Mangyaring tawagin mo na lang ako sa pangalang Laarni, 23-anyos.
Nakatakda na akong ikasal sa aking kasintahang na isang Civil Engineer. Matagal naming pinlano ito since late last year. Balak naming magpakasal sa January ng papasok na taon.
Pati parents namin ay alam na ang plano at wala silang tutol. Pero kahit engaged na ako, nagkaroon ako ng suitor and I feel that I’m falling for this guy. Hindi ko pa siya sinasagot pero very persistent siya. Alam din niya na naka-schedule na ang aming kasal ng aking boyfriend. How can I get rid, not only of the guy, but this nagging feeling in my heart?
Laarni
Dear Laarni,
Don’t tread on a dangerous ground. Maraming apektado at masasaktan kapag nakipag-break ka sa kasintahan mo lalo pa’t nakatakda na ang inyong kasal sa Enero.
Of course, hindi ko saklaw ang damdamin mo. Pero pag-aralan mong mabuti hindi lang ang iyong damdamin kundi pati na ang sitwasyon. Baka naman imbes na ligaya ay luha ang mapapala mo kung magpapalit ka ng boyfriend.
I can see na ang pakakasalan mong lalaki ay matagal mo nang kakilala otherwise hindi kayo magkakaroon ng ganyang commitment. Mag-isip kang mabuti.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)