^

Dr. Love

Nagsasalawahan ang isip

-

Dear Dr. Love,

Musta na po Dr. Love? Hope this letter gets into your hand na ikaw ay nasa mabuting kalu­sugan.

Mangyaring tawagin mo na lang ako sa pa­ngalang Laarni, 23-anyos.

Nakatakda na akong ikasal sa aking kasin­tahang na isang Civil Engineer. Matagal na­ming pinlano ito since late last year. Balak naming magpakasal sa January ng papasok na taon.

Pati parents namin ay alam na ang plano at wala silang tutol. Pero kahit engaged na ako, nagkaroon ako ng suitor and I feel that I’m falling for this guy. Hindi ko pa siya sinasagot pero very persistent siya. Alam din niya na naka-schedule na ang aming kasal ng aking boyfriend. How can I get rid, not only of the guy, but this nagging feeling in my heart?

Laarni

Dear Laarni,

Don’t tread on a dangerous ground. Mara­ming apektado at masasaktan kapag nakipag-break ka sa kasintahan mo lalo pa’t nakatakda na ang inyong kasal sa Enero.

Of course, hindi ko saklaw ang damdamin mo. Pero pag-aralan mong mabuti hindi lang ang iyong damdamin kundi pati na ang sitwasyon. Baka naman imbes na ligaya ay luha ang mapa­pala mo kung magpapalit ka ng boyfriend.

I can see na ang pakakasalan mong lalaki ay matagal mo nang kakilala otherwise hindi kayo magkakaroon ng ganyang commitment. Mag-isip kang mabuti.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

ALAM

BALAK

CIVIL ENGINEER

DEAR LAARNI

DR. LOVE

ENERO

LAARNI

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with