^

Dr. Love

Itinakwil

-

Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa lahat ng mga bumu­ buo ng malaganap ninyong pa­haya­gan.

Hindi po kaila sa inyo na ang isang tulad kong bilanggo ay mayroong malungkot na buhay dito sa tinatawag nilang “libingan ng mga buhay”.

Dumaranas ako ng pangu­ngulila at kalungkutan lalo na at walang bumibisita sa akin para alamin kung ano ang kalagayan ko rito.

Dahil sa pagkakakulong ko sa hindi sinasadyang pagkakapatay ko sa nagtangka sa aking buhay, itinakwil na ako ng aking mga magulang.

Ang babae namang pinagti­walaan at pinangsanlaan ko ng aking pagmamahal ay wala na rin matapos waldasin ang kaunting naimpok ko para sa aming kinabu­kasan sana.

Wala na akong masulingan. Walang mapaghingahan ng mga problema.

Ako nga po pala si Christopher Vergara, 36 years-old.

Dati ay mayroon akong pinag­kikitaan o trabaho sa aming lugar. Subali’t sa hindi sinasadyang pang­yayari, nakapatay ako ng tao. Ilalahad ko po ang pangyayari sa sinapit ng buhay ko.

Humihingi siya ng tulong. Na­bugbog daw siya ng kanyang mga kaaway.

Wala akong nagawa kundi ha­rapin ang grupo para pakiusapang hayaan na ang taong ito na ma­kauwi sa kanyang pupuntahang tahanan.

Pero ayaw nilang pumayag. Pilit nilang inaagaw sa akin ang taong yaon.

Sa kabila ng aking pakiusap, inundayan ako ng saksak ng isa sa mga tumutugis sa lalaki.

Nagpanting ang aking tainga. Lumaban ako hanggang sa ma­agaw ko ang kanyang armas at isinaksak ko iyon sa kanya.

Nadisgrasya ko ang taong yaon nang hindi ko kagustuhan. Idine­pensa ko lang ang aking sarili.

Sa pagkaawa ko sa iba, heto ako ngayon, kalaboso at walang gus­tong umunawa at bumisita man lang para alamin ang aking kala­gayan.

Talagang balintuna ang bu­ hay. Nahabag ako sa iba, ako naman ngayon ang hindi kaha­bagan.

Sa ngayon po, gulung-gulo ang aking isipan. Ang pakiwari ko, nag-iisa na ako ngayon.

Sa pamamagitan po ng in­yong column, nais kong mag­ka­roon ng mga kaibigan sa panulat para na­man magka­roon ako ng kaunting kaliga­yahan at pag-asa sa buhay.

Maraming salamat po at nawa ay mabigyan ninyo ako ng pagka­kataong mailathala ang liham kong ito.

Lubos na gumagalang,

Christopher Vergara

Student Dorm, Bldg. 1-C YRC,

MSC, Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Christopher,

Salamat sa liham mo. Pero huwag mong isiping nag-iisa ka. Hindi ka pababayaan ng Diyos kung tatawag ka sa Kanya. Siya ang higit na nakakaalam ng lahat. Alam Niya ang iyong iniisip at pangungulila.

Kung matututuhan mo lang manalangin palagi, papayapa ang iyong kalooban.

Mabuti at nag-aaral ka diyan sa loob. Ipagpatuloy mo iyan para makatulong sa iyong paghahanda sa paglaya. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Habang buhay ang isang tao, buhay ang pag-asa.

Patawarin mo na rin ang mga taong nagkulang sa iyo kasama na roon ang babaeng pinabayaan ka at winaldas ang iyong pera.

Mahahanap mo pa ang salapi, pero ang kapayapaan ng isipan ay mahirap hanapin.

Kung anuman ang dinaranas mo ngayon, sikapin mong tang­gapin nang mahinusay dahil bahagi iyan ng iyong reha­bili­tasyon. Makikita mo, sa sandaling mapagsisihan mo ang pagka­kasala nang tapat sa loob mo, malay mong makakabilang ka sa mga mapagkakalooban ng kapa­tawaran sa naging hatol sa iyo ng korte.

Dr. Love

AKING

AKO

ALAM NIYA

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

CHRISTOPHER VERGARA

DEAR CHRISTOPHER

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with