Pag-aaral o pag-ibig?
Dear Dr. Love,
Hi and hello sa iyo, Dr. Love. Hope this letter gets into your hand na ikaw ay nasa mabuting kalusugan at walang alalahanin.
Mangyaring ikubli mo na lang ako sa pangalang Sweet Rose, 19-anyos.
Mayroon akong kasintahang Chemical Engineer. Hindi pa ako tapos ng pag-aaral sa kolehiyo habang siya’y propesyonal na at may matatag na trabaho. Dalawang taon pa bago ako matapos pero gusto ng boyfriend ko na magpakasal na kami at magsama. Kapag nangyari iyon, gusto rin niyang huminto na ako sa pag-aaral.
Ang ibig daw ng kasintahan ko ay isang full-time housewife. Pero ambisyon ko’y matapos ang aking kurso sa Nursing dahil gusto kong magtrabaho sa abroad.
Nang tanungin ko ang aking mga magulang, ang sabi nila’y sundin ko kung ano ang gusto ko. Pero nahihirapan ako dahil mahal ko ang boyfriend ko ngunit hindi ko maisasakripisyo ang pag-aaral ko. Tulungan mo akong magpasya.
Sweet Rose
Dear Sweet Rose,
Kung talagang mahal mo siya, magsasakripisyo ka para sa kanya nang walang pag-aatubili. Ngunit dahil mas ibig mong makatapos sa kabila ng kagustuhan niyang lumagay na kayo sa tahimik, nakikita ko na pinahahalagahan mo ang iyong ambisyon.
Mamili ka. You canot have best of both worlds. At lalong hindi puwedeng magpasya para sa iyo ang ibang tao.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)
- Latest
- Trending