^

Dr. Love

May asawa na ang kanyang kasintahan

-

Dear Dr. Love,

Nagpapaabot ako ng isang mainit na pagbati sa iyo at sa mga staff ng Pilipino Star NGAYON pati na sa libu-libo mong masusugid na readers.

Ako po si Tom, 35 taong-gulang. Sumulat ako sa inyo dahil kagaya ng iba, mayroon po akong problema sa pag-ibig.

Ito ay tungkol sa babaeng mahal ko. Magkasintahan na kami nang malaman kong may asawa pala siya sa probinsiya na hiniwalayan niya. Kasalukuyan pa lang nasa proseso ang annulment ng kasal nila.

Kaya pala kinausap niya ako nang sarilinan ay para ipagtapat iyon. Hindi ko alam kung papaano magre-react sa nalaman ko.

Una’y nagalit ako at sinabihan ko siya na bakit hindi siya agad nagtapat. Ang sabi niya’y noong una pa’y minahal na niya ako at natatakot siyang mawala ako sa kanya. Napaiyak ako sa sinabi niyang yaon.

Gusto ko nang makipag-break pero nangingibabaw ang aking pag-ibig sa kanya. Ano ang mabuti kong gawin, Dr. Love?

Tom

Dear Tom,

Kung mahal mo siya, hintayin ninyong maaprobahan ang annulment ng kanilang kasal para walang maging legal impediment sakaling magpasya kayong magpakasal.

But until then, magturingan muna kayong matalik na magkaibigan at umiwas sa tinatawag na bawal na pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay nakalaang maghintay at magtiis.

Habang may bisa ang kasal nila, magiging adulterous ang inyong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR TOM

DR. LOVE

HABANG

KASALUKUYAN

KAYA

MAGKASINTAHAN

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with