^

Dr. Love

Hinaing ng OFW

-

Dear Dr. Love,

Hi and hello to you Dr. Love. Bumabati muna sa inyo pati na sa marami ninyong taga­subaybay ng very popular ninyong kolum ng isang mabiyayang araw.

Tawagin mo na lamang akong Cristy, isang domestic helper dito sa Singapore. Isang buwan na akong di-mapakali at napapansin ito ng aking mga amo. Lagi akong wala sa sarili. Nabalitaan ko kasi na may kinalolo­kohang babae ang mister ko.

Kumprimado ko ito dahil ang kapatid kong bunso mismo ang nagbalita. Pinadalhan pa ako ng larawan sa cellphone na magka-abresiyete silang naglalakad sa isang mall.

Bagong kasal lang kami at kahit isa lang siyang istambay, minahal ko siya at pinaka­salan. Napaka­sakit na magagawa niya ito sa akin. Mag-iisang taon pa lang ako rito sa Singapore.

Hindi ako makauwi agad dahil under contract ako ng dalawang taon. Ano ang dapat kong gawin?

Cristy

Dear Cristy,

Kahit sinong tao, babae man o lalaki, ay pihong matuturete sa ganyang problema.

Pero ano ang magagawa mo para pigilan ang pagtataksil ni mister? Gaano man katindi ang love mo sa kanya ay pilitin mo siyang iwaksi sa iyong isip and move on. Putulin mo na rin ang remittance ng kita mo sa kanya. Tutal, bagong kasal lang kayo at tiyak kong wala pa kayong anak.

Siyanga pala, ang Ateneo Center for Organi­zational­ Research and Development ay nagkakaloob ng libreng counseling para sa lahat ng OFW na may iba’t ibang problema.

Puwedeng umugnay sa institusyong ito sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

Dr. Love

ANO

ATENEO CENTER

BUMABATI

DEAR CRISTY

DR. LOVE

GAANO

ISANG

KAHIT

RESEARCH AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with