Salawahang boyfriend

Dear Dr. Love,

Kumusta ka Dr. Love. Ako’y matatawag na’ng avid fan ng iyong kolum na paborito kong basahin. I hope you are in fine shape sa pagtanggap ng liham kong ito. Sana’y mai-tampok mo one of these days ang sulat kong ito.

Tawagin mo na lang akong Wilma, 19 anyos. Hindi sa pagmamayabang, lagi akong top sa klase. Nang sabihin ko sa mga parents ko na ibig kong maging nurse, hindi ako nagdalawang salita.

Sa unang taon ko sa kolehiyo ay walang problema. Isa ako sa mga hinahangaan ng mga propesor at laging number 1 sa mga exams.

Pero nagsimulang bumaba ang mga grades ko nang iwanan ako ng boyfriend ko at nagpakasal sa iba. Hindi ako maka-concentrate. Ano ang gagawin ko.

Wilma

Dear Wilma,

Ang pag-aaral mo ay huwag mong sayangin. Mas importante iyan kaysa pag-ibig sa ngayon.

There is a time for everything. Darating ang panahong mag-aasawa ka at magpapamilya. Pero as of now, ang prayoridad ay pag-aaral. Kaya wala kang choice kundi piliting iwaksi sa isip mo ang nagsalawahan mong boyfriend.

Dr. Love

Show comments