Pagkamulat

Dear Dr. Love,

Isang masaganang pagbati po sa inyo. Kalangkap po nito ang isa ring masaganang pangungumusta.

Ako po si Raymond Bongabong, 34 years-old at tubong Ozamis City. Kabilang po ako sa libu-libong mam­babasa ng popular ninyong column.

Naengganyo po akong lumiham din sa inyo para maibahagi ang aking karanasan sa buhay nang kapu­ lutan ng aral ng inyong mga tagasu­aybay.

Ako po ay isang bilanggo. Na­pad­pad po ako rito sa pambansang kulungan dahil sa isang pangya­yaring hindi naiwasan. Dahil sa pagtatanggol ko sa isang kaibigan, nakasakit ako ng tao na naging dahilan ng aking pagdurusa.

Subali’t mabait pa rin ang Pangi­noon. Nilabag ko man ang kanyang kautusan, sa lugar na ito ay namulat ang aking mga mata sa katoto­hanan.

Malungkot man ang aking buhay dito sa loob, nakatagpo rin ako dito ng katahimikan.

Dito ko nagawa ang pagmumuni-muni sa kahiwagahan ng buhay, ang kahalagahan ng isang nilalang gaano man siya kababa sa paningin ng hindi niya mga kauri sa lipunan.

Sa aking pagninilay, ipinangako ko sa aking sarili na bibigyan ko ng importansiya ang sinumang tao na tatanggap sa akin bilang isang tao at hindi dahil sa aking kalagayan.

Nakagawa ako ng isang kasala­nan na aking pinagdurusahan ngayon dahil nakursunadahan ng isang pangkat ang aming tropa minsang galing kami sa isang party.

Inabangan kami at napagtripang saktan. Pero nanlaban kami at dahil sa pagtatanggol sa isang kaibigan, dahil sa aking kapusukan, nangyari ang hindi dapat na maganap.

Sa tulong ng Panginoon, dito ko naitama ang aking mga mali at sa tulong din Niya, naging produktibo ang aking buhay kahit nasa ganito akong kalagayan.

Alam ko pong ang isang tulad ko ay pinangingilagan. Pero umaasa ako na sa tulong ng aking mga natu­tuhan dito, magagawa ko ang pag­babago sa sarili para maging ka­paki-paki­nabang na mamamayan.

Sana po, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat sa pamamagitan ng paglalathala ninyo ng liham kong ito.

Maraming salamat at more power to you.

Gumagalang,

Raymond Bongabong

Cell 221, Medium Security Compound,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Raymond,

Salamat sa liham mo at sana’y tuluy-tuloy na ang sinasabi mong pagbabago sa buhay mo.

Kung minsan, may mga pang­yayaring nagaganap sa ating buhay na siyang nakapagpapamulat sa ating mga mata para yakapin ang mga simulaing dating ipinagwa­walang-bahala.

Tulad ng pagiging mainitin ng ulo at pagkakaroon ng “superiority complex” dahil kasama ng kanyang tropa.

Marahil, niloob ng tadhana na makagawa ka ng hindi tama para mapagsisihan mo ang pagkakasala at makabangon sa mga kamalian sa pamamagitan ng pagtitika.

Kung noon ay hindi mo dina­ranas na lumuha, diyan sa bilang­guan ay natutuhan mong magsisi at maging malapit sa Kanya dahil wala ka nang ibang mapaghingahan ng sama ng loob at paghingi ng tulong.

Gaya nang sabi mo, mabait ang Diyos dahil sa kabila ng nagawa mong kasalanan, natutuhan mong magbalik-loob sa Maykapal at mag­tika sa pagkakasala.

Regards to you at sana, matag­puan mo ang mga kaibigang maka­pagpapasigla sa iyo at magsisilbing inspirasyon sa iyong pagbabago.

Dr. Love

Show comments