^

Dr. Love

Diktador na ama

-

Dear Dr. Love,

Una’y binabati muna kita sampu ng staff ng Pilipino Star NGAYON at mga tagasubaybay ng iyong kolum.

Tawagin mo na lang akong Carol, 20-anyos at may tatlong manliligaw. Ang isa sa kanila’y napupusuan ko na.

Ang problema ko ay ang aking Ama. Sa tatlong nanliligaw sa akin ay inaayawan niya ang nagugustuhan ko at yung isa ang gusto niya dahil anak ng matalik nyang kaibigan.  

Pinipilit niya akong sagutin ang lalaking iyon na hindi ko naman mahal. Mapapahiya daw siya sa kanyang best friend dahil mga bata pa lang sila’y napagkasunduan na nila na ipakakasal sa isa’t isa ang kanilang magiging anak na lalaki at babae.

Binantaan pa ako ng tatay ko na kalimutan ko na tatay ko siya kapag di ako sumunod. Pati nanay ko na nakakaunawa sa akin ay nagalit sa tatay ko pero hindi namin siya makumbinsi sa lalaking gusto ko.

Ano ang dapat kong gawin?

Carol

Dear Carol,

Ang pagsunod sa mga magulang ay may limitasyon. Pagdating sa mga personal na bagay tulad ng pagpili ng partner ay hindi dapat manghimasok ang mga magulang.

Ang tungkulin lang ng mga magulang ay magbigay ng payo pero ang anak pa rin ang magdedesisyon.

Kaya kung hindi mo siya makumbinsi sa lalaking mahal mo, wala kang obligasyong sumunod sa gusto niya dahil kinabukasan mo at kaligayahan ang nakataya.

Dr. Love


ANO

BINANTAAN

DEAR CAROL

DR. LOVE

KAYA

MAPAPAHIYA

PAGDATING

PATI

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with