^

Dr. Love

Insecure si mister

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, binabati muna kita at lahat ng iyong mga masusugid na tagasubaybay ng Dr. Love.

Lagi akong nagbabasa ng kolum mo sapul pa noong ako’y 12 years-old at ngayong may asawa na ako ay paborito ko pa rin ito. Ako nga pala si Rosalie, 26-anyos na.

Limang taon na kaming nagsasama ng mister ko na isang construction engineer. Pero sa kabila ng mahabang panahon namin ay hindi kami magkaanak.

Nang magpasuri kami sa doktor ay nabatid naming siya ang may diprensiya.

Magmula noon ay naging insecure siya. Lagi niyang sinasabi na natatakot siya na baka mawala ako sa kanyang buhay.

Binibigyan ko naman siya ng assurance na mahal ko siya at hindi ko siya iiwanan. Pero ang pakiramdam daw niya sa sarili ay inutil at walang silbi. Parang umiinit pa ang ulo niya kapag dumadalaw sa amin ang kanyang mga kapatid na karay-karay ang kanilang mga supling. Kung minsan ay naiinis na ako sa pagiging childish niya pero nagtitimpi ako dahil ayaw kong masira ang pagsasama namin.

Ano ang dapat kong gawin para mawala ang insecurity niya?

Rosalie

Dear Rosalie,

Walang makagagamot sa insecurity ng asawa mo kundi siya. Ginagawa mo na ang bahagi mo sa pagbibigay ng assurance na mahal mo siya ano pa man ang kalagayan niya.

Marami namang paraan para makabuo ng pamilya. Isa na riyan ang pag-aampon, kung papayag siya.

Tanungin mo siya kung nabaliktad ang situwasyon at ikaw ang baog. Mamahalin ka pa kaya niya? Sabihin mo sa kanya na ang pag-ibig ay walang tinitingnang diprensiya at hindi dapat tumigil sa pag-inog ang mundo ninyo dahil lamang hindi kayo magkaroon ng sariling anak.

Dr. Love


AKO

ANO

BINIBIGYAN

DEAR ROSALIE

DR. LOVE

LAGI

PERO

ROSALIE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with