^

Dr. Love

Gustong anakan ng bakla

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka Dr. Love? Matagal na akong nagbabasa ng kolum mo at natutuwa ako sa iyong mga payo.

Tawagin mo na lamang akong Glenda, 20- anyos at isang beautician sa isang parlor na pag-aari ng isang bading. Tawagin mo na lang siyang Kaye. Cayetano yata ang totoong pangalan niya.

Mabait ang amo ko at dalawang taon na ako sa serbisyo. Pero isang gabi nang magsara na kami ng parlor, kinausap niya ako. Tinanong niya ako kung payag akong “anakan” niya. Nagulat ako. Hindi ko akalaing sasabihin niya ang ganun. Akala ko’y nagbibiro siya.

Sabi niya, kahit bading siya ay may pangarap siyang magkaroon ng totoong anak. Mayaman kasi siya at wala nang mga magulang at kapatid. Mayroon siyang ka-live-in pero sabi niya, hindi naman sila puwedeng magkaanak dahil wala siyang matres. Kailangan daw niya ng isang tagapagmana.

Ayaw din niyang mag-ampon dahil marami raw pangyayari na nagiging rebelde ang isang ampon. Natigilan ako sa sinabi niya.

Sabi niya bibigyan niya ako ng P100,000 kapag nabuo ang baby sa sinapupunan ko. Natigilan ako at sinabi kong pag-iisipan ko muna. Sabagay hindi na ako dalaga. Hiwalay ako sa asawa at ang kaisa-isa kong anak ay namatay nang isang taong-gulang lang.

Malaking halaga sa akin ang P100,000. Makakatulong para makapagtayo ako ng negosyo sa aming probinsya at matutulungan ko ang aking mga magulang na matanda na. Ano ang maipapayo mo?

Glenda

Dear Glenda,

Kung may takot ka at pagmamahal sa Diyos, hindi mo gagawin iyan. Sabihin mang makaluma ako, iyan ay isang bagay na immoral. Maraming disenteng paraan para kumita ka. Mag-impok ka lang sa ginagawa mong trabaho ay mararating mo ang pangarap mong makapagnegosyo. Pero kung ang gusto mong paraan ng pagkita ay mabilis, iyan nga siguro ang sagot pero sabi nga ng Bibliya, ano ang mapapala mo makuha mo man ang kayamanan ng mundo kung mapapahamak ang iyong kaluluwa?

Kaya pag-isipan mong mabuti iyan. Para sa akin, hindi mo dapat ibenta ang iyong sarili para maging “baby maker”, pero buhay mo iyan, ikaw ang magdedesisyon sa dakong huli.

Dr. Love

AKO

DEAR GLENDA

DR. LOVE

GLENDA

ISANG

NATIGILAN

NIYA

PERO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with