^

Dr. Love

Single Mama

-

Dear Dr. Love,

Maraming salamat sa pagpapaunlak mong mailathala sa malaganap mong column ang aking sulat.

Tawagin mo na lang akong Elvie, isang single parent. Nabuntis ako sa pagkadalaga noong ako’y 21- anyos. Ngayon ay 29-anyos na ako.

Masyado kasi akong liberated noon at rebelde sa aking mga magulang. Hate ko ang sobra nilang pagiging estrikto. Hindi ko naman talaga love yung nakabuntis sa akin pero hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ko noon.

Nang mabuntis ako ay pinalayas ako sa amin. Mabuti’t new graduate ako noon at ang natapos ko ay Accounting.

Madali akong nakahanap ng trabaho at mag-isa kong itinaguyod ang pagpapaaral sa aking anak. Eight years-old na siya ngayon.

Malaki ang suweldo ko kaya afford ko na kumuha ng yaya para sa aking anak. Mapagkakatiwalaan ko naman siya dahil isa ko siyang pinsan.

Ngayon ay may lumiligaw sa akin. Hindi pa niya alam na may anak ako sa pagkadalaga.

Naguguluhan ako. Hindi ko masabi ang totoo dahil baka ayawan niya ako. Ano ang mabuti kong gawin?

Elvie

Dear Elvie,

Pinakamabuti na sabihin mo sa kanya ang lahat. Afterall, hindi mo naman maitatago iyan habang panahon.

Posible ngang umayaw siya sa iyo pero maaari rin namang tapat ang pag-ibig niya sa iyo at tatanggapin ka niya sa kabila ng lahat.

Kaya as early as possible ay magtapat ka sa kanya.

Umaasa rin ako na magiging magandang lesson sa ibang readers ang kasaysayan mo para hindi sila maging padalus-dalos sa kanilang mga desisyon sa buhay lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa pakikipagrelasyon.

AFTERALL

AKO

ANO

DEAR ELVIE

DR. LOVE

ELVIE

KAYA

MADALI

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with