Nagbabagong damdamin
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you Sir. Tawagin mo na lang akong Carla, 20-anyos. Katulad ng iba mong letter senders, sumulat ako dahil sa problema ko sa pag-ibig.
Sa aking school, mayroon akong dating masugid na manliligaw. Tawagin mo na lang siyang Max. Matagal na siyang dumidiskarte sa akin pero wala akong gusto sa kanya at the start. Binasted ko na nga siya pero masyadong pursigido at ayaw akong tigilan. May tatlong buwan din siyang nanligaw sa akin.
Isa siyang scholar at matalino bagamat hindi kaguwapuhan. In fact, he looks like a nerd to me. Hanggang sa tinigilan na niya ako. Siguro nagsawa na rin siya at na-realize na wala siyang mahihita sa akin.
Ngunit ngayo’y para ko siyang nami-miss. I am not sure if I am falling for him but something strange is taking place in my heart.
Gusto ko siyang magbalik sa kanyang panliligaw pero lately, tila hindi na niya ako pansin. Ano ang gagawin ko?
Carla
Dear Carla,
Kung minsan talagang strange ang pag-ibig. Ang inaayawan mo ngayon ay puwedeng mamahalin mo bukas.
Marahil kung makakasalubong mo siya sa campus ay ngitian mo siya at batiin without necessarily showing that you are developing an interest in him. Sikapin mong ma-restore ang inyong pagkakaibigan and start of from there.
Mabuti nga kung magsisimula kayo bilang magkaibigan dahil diyan umuusbong ang matibay na pagmamahalan.
Dr. Love
- Latest
- Trending