^

Dr. Love

Panakip-butas

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Albert, 19-anyos at college student. May naging girlfriend ako sa school. Dalawang linggo na kaming mag-on nang isang araw, isang lalaki ang lumapit sa amin habang nagmimeryenda kami sa school canteen. Una’y nakatingin lang siya sa amin. Hindi siya napapansin ng girlfriend ko dahil nakatayo siya sa kanyang likuran na may tatlong metro ang layo. Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng aming mesa.

Nagpakilala siyang boyfriend ng gilfriend ko. Nakita kong namutla ang aking girlfriend nang komprontahin ng lalaki. Sa harap ko at sa harap ng maraming tao ay sinampal ang girlfriend ko. At kung nasa ganyang katayuan ang mahal mo at ikaw ay isang maginoo, ano ang dapat mong gawin? Tumayo ako at sumaklolo at sinuntok ko siya nang malakas.

Pero laking gulat ko nang humarang sa harap ko ang aking girlfriend at parang ang lalaki pang yaon ang kanyang idinipensa.

Umiiyak ang girlfriend ko na inilayo ang lalaki at nakita kong lumabas sila ng campus at nag-abang ng taxi sa labas.

Masakit na masakit ang loob ko sa nangyari. Kinabukasan ay nag-usap kami ng girlfriend ko. Humingi siya ng tawad at nakipag-break sa akin. Sabi niya, nagkatampuhan lang sila ng totoo niyang boyfriend kaya ako sinagot. Hindi ko alam ang itutugon ko sa sinabi niya. Iniwanan ko na lang siya at hindi ko na tinapos ang kanyang paliwanag.

Napakalaking kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon at ayaw ko nang pumasok. Alam ng mga kaklase ko ang nangyari at hiyang-hiya ako. Panakip-butas lang pala ako.

Dalawang araw na akong di pumapasok habang sinusulat ko ito. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Albert

Dear Albert,

Ano ang dapat mong ikahiya? Kung mayroon mang dapat mahiya ay walang iba kundi ang girlfriend mo na girlfriend pala ng iba. Sabi nga ng matatalino, charge it to experience.

Dahil lang sa masaklap na karanasang iyan ay hindi mo dapat sirain ang kinabukasan mo. Pumasok ka at atupagin mo ang pag-aaral sa halip ang problema sa puso. Mas mahalaga sa buhay ng tao ang edukasyon dahil diyan nakasalalay ang magandang future.

Dr. Love        

AKO

ALAM

ANO

DAHIL

DALAWANG

DEAR ALBERT

DR. LOVE

GIRLFRIEND

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with