^

Dr. Love

Dahil sa kapusukan

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Umaasa ako na kayo’y masaya at walang problema tulad ng dinadala ko ngayon.

Ang pangalan ko ay Wendy, 18 years-old. Nag-aaral po ako ng Nursing sa isang kilalang paman­tasan.

Ang problema ko po ay napakabigat. Taga-pro­binsya po kami at ako’y pinag-aaral ng mga magu­lang ko sa Maynila.

Naging mabuting anak naman ako sa loob ng dalawang taong ipinamalagi ko rito sa Metro Manila. Kaso, nang dahil sa isang pagkakamali ay parang nawasak ang aking mundo.

Nagkaroon ako ng boyfriend. Dalawang ulit kong naibigay ang pagkababae ko sa kanya. Siya ang unang nakagalaw sa akin.

Pero sa pangalawang pagkakataon ay nabuntis ako. Habang isinusulat ko ito, magdadalawang- buwan na ang aking dinadala. Walang kaalam-alam ang mga magulang ko.

May nagpapayo sa akin na ipatanggal ko ito pero natatakot po ako. Hindi na rin ako sinisipot ng boyfriend ko.

Papatayin ako ng mga parents ko kapag nala­man nila ito. Ano ang dapat kong gawin?

Wendy

Dear Wendy,

Nahihirapan ka mang gawin, dapat kang mag­tapat sa mga magulang mo. Siguro kung may kaki­lala kang pari o pastor sa inyong probinsya, mag­tapat ka at patulong sa tamang approach na ga­gawin mo sa pagbubunyag ng iyong problema sa mga magulang mo. O kaya, mas mabuti kung lapitan mo ang isa sa malapit mong kamag-anak na nakatatanda para tumulong sa iyo.

Wala akong makitang ibang paraan kundi harapin ang pinasok mong problema. Naniniwala ako na bagamat masakit para sa mga magulang mo ay mauunawaan ka nila. Huwag kang mag-alala at hindi ka nila papatayin.

Sana’y magsilbing aral sa iyo at sa ibang kaba­taang mambabasa ang naging karanasan mo. Ang kapusukan ay madalas magbunga ng bagay na pagsisisihan kaya habang di pa nang­yayari ay dapat nang iwasan.

Dr. Love

AKO

ANO

DALAWANG

DEAR WENDY

DR. LOVE

HABANG

HUWAG

METRO MANILA

SHY

WENDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with