^

Dr. Love

'Pinsan' ng siyota ko

-

Dear Dr. Love,

Masaganang pangungumusta po sa inyo. Sana po, ang bagong taong ito ay puno ng magagandang pang­yayari hindi lang sa ating bansa kundi maging sa lahat na Pilipino na uma­asang magiging mapayapa at ma­unlad ang ating pinakamamahal na bayan.

Para sa isang tulad kong bi­langgo, ang dalangin ko po, sana, mapaaga ang aming paglaya para naman maka­balik na kami sa malayang lipunan.

Tawagin na lang po ninyo akong Albert Alcantara, tubong Maynila. Ako po ay umibig nang tapat at wagas sa isang babae na siyang naging dahilan ng pagdurusa ko dito sa pambansang bilangguan.

Noong hindi pa ako nakukulong, pinagsabihan ako ng matalik kong kaibigan na huwag akong masya­dong magtitiwala sa nobya ko dahil niloloko lang niya ako.

Hindi ko mapaniwalaan ang pagu­nita ng aking kaibigan dahil mahal namin ang isa’t isa. Maganda ang takbo ng aming relasyon at wala akong kaduda-duda na oonsehin lang ako ng girlfriend ko. Nagha­handa na kasi kami na magpakasal.

Taong 2003, bumisita ako sa katipan ko sa kanilang tahanan. Hindi ko inaasahan na may mada­datnan akong isang lalaki na madali namang ipinakilala ng siyota ko na kanya raw pinsan.

Sumapit ang pista sa lugar ng aking nobya at biglaan ang dating ko sa kanilang bahay. Gusto ko kasi siyang sorpresahin.

Laking gulat ko nang pumasok sa kanilang tahanan at madatnan ko ang aking siyota at ang ipinakilala niyang pinsan na magkayakap at naghaha­likan.

Nagdilim ang aking paningin. Nagsikip ang aking dibdib at naging blangko ang aking isipan. Hindi ko naisip kung ang gagawin ko ay tama o mali.

Dahil sa nagpupuyos na galit sa aking dibdib, nasaksak ko ang lala­king pinsan umano ng aking nobya.

Malalim ang tama ng saksak at kaagad na namatay ang pinsan daw ng siyota ko.

Ang masaklap pa nito, ang nob­yang pinakamamahal ko, nire­respeto at halos iluklok sa pedestal ang siya pang tumestigo laban sa akin.

Iyan po ang masaklap kong kara­­­nasan sa pag-ibig. Hindi ko aka­lain na ang babaeng sinamba ko at minahal nang labis ang siyang naging dahilan ng aking pagkabi­langgo.

Ayaw ko na sanang maniwala pa sa mga babae. Pero heto ako, naki­kiusap sa inyo na sana’y magka­roon ako ng mga kaibigan sa panu­lat para malayo sa isip ang hindi kanais-nais na karanasang sinapit ko.

Hanggang dito na lang po at sana, naibigan ninyo ang kasay­sayan ng aking pag-ibig na siyang naging mitsa ng aking pagka­bilanggo.

Gumagalang,

Albert Alcantara

Cell 225 Bldg. 2,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

 

Dear Albert,

Masyadong mabilis ang iyong naging aksiyon. Masyado kang nagpa­dala sa emosyon.

Sa pag-ibig, hindi mo itinataya ang lahat. May sarili kang reser­basyon para sa sarili mo. Para sa ganoon, hindi ka masisiphayo kung hindi naging tapat sa iyo ang nobya mo.

Hindi mo pa kabiyak ng puso ang babaeng yaon na siya pang nagdiin sa iyo para ka makulong.

Sa uulitin, may leksiyon ka na. Huwag sobrang pagmamahal ang ibibigay mo sa babaeng hindi mo pa naman asawa.

Kung magkaroon ka uli ng nobya, mahalin mo pero hindi sagad-sagad at huwag kang mas­ya­dong padadala sa selos.

Kaya ka nakulong ay dahil ini­lagay mo sa iyong mga kamay ang batas.

Kung tiniklo mo lang sa akto ang nobya mo, wala ka sa kulungan.

Bago ka gumawa ng anumang hak­bang, pakaisipin mo ng ilang ulit bago ka makasakit ng kapwa.

Alalahanin mo, hindi maganda at hindi tama na pumatay ka ng tao dahil nadehado ka sa pag-ibig.

Ang Panginoon lang ang may kara­patang bumawi ng pahiram Niyang buhay.

Sana napagsisihan mo na ang pag­kakasala mo at huwag kang makakalimot sa pagtawag sa Diyos na siyang gagabay sa iyo sa lahat na pagkakataon.

Dr. Love

AKING

AKO

ALBERT ALCANTARA

ANG PANGINOON

DEAR ALBERT

DR. LOVE

LANG

SANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with