^

Dr. Love

Pagtanggap sa reyalidad

-

Dear Dr. Love,

Una po sa lahat, nais kong batiin kayo ng masaganang pangungumusta at sana sa dakilang pagsilang nang ating Dakilang Mananakop at sa pagsapit ng Bagong Taon, nawa’y biyayaan kayo ng lahat na pagpapala ng ating Panginoon.

Isa po ako sa masusugid na tagahanga ng inyong column na Dr. Love. Dahil nga po sa nakahiligan kong subaybayan ang bawat lathalain ng inyong pahayagan, naganyak akong lumiham sa inyo para maibahagi ko rin ang aking mga naging karanasan sa buhay, pag-ibig at kung bakit ako nasadlak dito sa piitan.

Sa edad kong 22, nasilayan ko ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng aking puso. Dahil po sa wagas at tapat kong layunin sa kanya, niligawan ko siya at pinalad namang tinanggap niya ang inihain kong pag-ibig.

Naging masaya kami sa aming relasyon. Bumuo kami ng mga pangarap. Sa paglipas ng maraming araw, hindi ko akalaing ang pag-ibig niya ay naglaho dahil sa isang kasong kinasangkutan ko at nahatulan akong makulong.

Homicide po ang kaso ko at pagtatanggol sa sarili ang dahilan. Ang pagkakabilanggo ko ang siyang naging sanhi kung bakit tinalikuran ako ng aking nobya at sumama sa ibang lalaki.

Kay sakit ng aking kalooban sa pangyayaring ito. Noong una, ang akala ko, hindi ko makakayanan ang naganap na pangyayaring ito.

Pero nang aking mapagnilay ang buong pangyayari, ang tao pala habang nabubuhay ay mayroong pag-asa. Ang mahalaga ay matanggap ang reyalidad at nangyari sa buhay.

Para naman maging makabuluhan ang pananatili ko sa kulungan at para mapagsisihan ang kasalanan, minabuti kong magpatuloy ng aking pag-aaral dito sa loob.

Isa rin po sa dahilan kung bakit ako lumiham sa inyo ay para matulungan ninyong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Alam kong marami kayong natutulungan sa mga kasamahan ko dito at ngayon, sila ay pawang inspirado nang magbago at harapin ang mga darating na kinabukasan.

Sana rin po, ako ay magkaroon ng mga kaibigan na makakaunawa sa akin at sa ginagawa ko ngayong pagsisikap para magbago.

Hanggang dito na lang po, maraming salamat sa inyo at sa walang sawa ninyong pang-unawa sa mga tulad ko na naligaw ng landas.

Marami kami ditong wala nang matatawag na pamilya dahil tinalikuran na nila kami mula nang makulong.

Sana po, hindi kayo magsawa sa pagbibigay payo sa mga tulad kong sawing-palad.

Umaasa,

Joejay Manalag

I-D College Dorm,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Joejay,

Minabuti naman at natanggap mo na ang masaklap na reyalidad na ang dati mong nobya ay mayroon nang ibang mahal.

Huwag mo na siyang panghinayangan dahil mahina siya at hindi mo rin siya masisisi dahil iyon nga ang kanyang kahinaan. Hindi siya marunong magpahalaga sa kanyang pangako at sariling interes lang ang kanyang inaatupag.

Alam niyang nakakulong ka. Nahatulan ka ng paglabag sa batas. Takot siyang mapag-iwanan ng panahon kung hihintayin ka pa niya sa iyong paglaya.

Kaya, matutuhan mo ring unawain siya at sa kanyang takot na mapag-iwanan siya ng panahon.

Sa panahong ito ng pagbibigayan, matututuhan mo ring magbigay bagaman masakit ito sa loob mo dahil ika mo nga, mahal mo siya.

Sa sinasabi mong reyalidad, materyosa ang dati mong kasintahan. Ayaw niyang umasa sa panahong lalaya ka rin dahil mayroon nang ibang natagpuan siya na kapalit mo.

Kaya, idalangin mo lang na hindi sana siya nagkamali sa ipinagpalit niya sa iyo.

Makakatagpo ka rin ng babaeng para sa iyo at iibig sa iyo anuman ang iyong nakaraan.

Warm regards sa iyo at mga kasamahan mo diyan.

Dr. Love

ALAM

BAGONG TAON

DAHIL

DAKILANG MANANAKOP

DEAR JOEJAY

DR. LOVE

ISA

KONG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with