^

Dr. Love

Oportunista

-

Dearest Dr. Love,

Kumusta kayo, Dr. Love? Hangad ko na maging punumpuno ng pag­papala ng Panginoong Diyos ang pumasok na taong 2009 para sa inyo at sa lahat ng staff ng PSN.

Ako po si Cathy, 24-anyos. Kabi-break lang namin ng aking boyfriend dahil masyado siyang playboy.

May walong buwan na ang aming relasyon bago kami nag-break. It was my decision to break up with him dahil hindi ko tiyak kung isa lang ako sa mga babaeng gusto niyang pagla­ruan.

Magkasama kami sa office at dun na nga kami nagkakilala, nagligawan at nagkarelasyon.

Kinausap ako ng common friend namin na kasamahan din sa opisina. Sabi niya, gusto raw ng ex-boyfriend ko na i-reconsider ko ang pakikipag-break sa kanya dahil ako ang tunay niyang mahal.

Pero alam na alam sa buong opi­sina na bukod sa akin, mayroon pa siyang ibang girlfriend in the same office.

Noon pa man, gusto niyang mag­karoon kami ng pre-marital sex pero tumatanggi ako.

Makikipagbalikan ba ako sa kanya?

Cathy

Dear Cathy,

Korek ka sa desisyong tanggihan ang gusto niya. Kapag ganyan ang lalaki, talagang iisa lang ang gusto niya: Ang makuha ang iyong pag­kababae. Maraming lalaki ang di-dapat pagkatiwalaan dahil kolektor ng babae. Ang pinaka-“medalya” nila ay makuha ang virginity ng isang babae. Para bang malaking karangalan nila kapag marami silang pinaluhang babae.

Marahil, kaya gusto niyang mag-reconsider ka ay sapagkat natsa-challenge siya sa iyo. Determinado siyang makuha ang gusto niya sa iyo kaya ibig niyang makipagbalikan. Magmatigas ka na ayaw mo na sa kanya.

Maging matalino ka para huwag mapahamak. Good decision so keep it up ang don’t get sweet-talked by an opportunist na walang gusto kundi ang maisahan ka. Ang ganyang tipo ng lalaki ay walang karapatang ibigin ng babae.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR CATHY

DETERMINADO

DR. LOVE

GUSTO

HANGAD

KABI

KAPAG

KINAUSAP

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with