^

Dr. Love

Ika-4 na utos ng Diyos

-

Dear Dr. Love,

Pahintulutan po ninyong batiin kayo ng isang magandang araw at nawa’y makamit ninyo lagi ang pagpapala ng ating Panginoon.

Lumiham po ako sa inyo sa kagustuhang maibahagi sa marami ninyong mga tagasubaybay ang kasaysayan ng aking buhay para kapulutan ng aral.

Ako po si Robert Senita, 40 taong-gulang at kasalukuyang nakapiit dito sa pambansang piitan.

Nagkasala po ako sa Diyos at sa batas ng tao. Nilabag ko po ang ika-4 ng kautusan ng Panginoon: “Huwag kang papatay ng kapwa”.

Nasuway ko po ang kautusang ito ng Panginoon dahil inapi ang aking pamilya. Kaya nandito ako ngayon at nagtitiis na malayo sa pagmamahal sa aking pamilya.

Maraming pagsubok nang dumaan sa aking buhay mula nang masadlak ako sa madilim na lugar na ito. Nawala sa akin ang aking pinakamamahal na asawa. Sumama siya sa ibang lalaki at hanggang ngayon ay wala pa akong balita kung saang dako ng lupalop siya napadpad.

Masaklap at mahirap kung iisipin pero alang-alang sa aral ng Diyos na nagbigay liwanag sa aking nagdidilim na diwa, napatawad ko na po ang nagtaksil kong kabiyak.

Kung ang Panginoong Hesukristo ay nagawang mapatawad ang mga taong nagpako sa Kanya sa krus, ako pa kayang taong makasalanan ang hindi makapagpapatawad?

Sumulat po ako sa inyo dahil alam kong matutulungan ninyo ako dahil sa manggagamot kayo ng pusong sinaktan ng minamahal.

Nagnanais po akong magkaroon ng kaibigan sa panulat, yaong tunay na taong tatratuhin akong tao sa kabila ng kalagayan ko sa kasalukuyan.

Maraming salamat po at nawa’y mailathala ninyo ang maikling kuwento ng aking buhay.

Gumagalang,

Robert Senita

Bldg. 2 Dorm 235,

Camp Sampaguita, Muntinlupa City 1776

Dear Robert,

Salamat at napatawad mo ang nagtalusira mong asawa. Hindi ba nakatagpo ka ng katahimikan ng damdamin?

Sa paglabag mo sa ika-4 na utos ng Diyos, tanging ang ating Panginoon lang ang makapagpapatawad sa iyo.

Dumalangin ka sa Kanya at pagtikahang mabuti ang iyong pagkakasala. Ihingi mo sa Kanya ng kapatawaran ang paglabag mo sa Kanyang utos.

Madarama mo ang pagpapatawad Niya kung mawawala na rin ang pag-uusig ng iyong budhi at konsiyensiya dahil sa pagkakadungis mo ng iyong kamay sa pagkitil ng buhay ng nilikha ng Diyos.

Huwag kang padadala sa sulak ng iyong galit. Kung minsan, kailangang isipin nang makailang ulit ang anumang gagawing hakbang para makaiwas sa problema at basag-ulo.

At lagi mong ilagay sa iyong isipan na tanging ang Panginoon lang ang kumukuha sa kanyang nilikha kung tapos na ang misyon niya sa lupa.

Dr. Love

AKING

AKO

DEAR ROBERT

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

KANYA

MARAMING

PANGINOON

ROBERT SENITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with