^

Dr. Love

May ibang mahal si mister

-

Dearest Dr. Love,

A pleasant day to you, Dr. Love. Sana ay ma­ka­­rating sa iyo ang sulat na ito na nasa mabuti kang kalagayan. Matagal mo na po akong taga­ha­nga at ngayon lang ako naglakas-loob na sula­tan ka. Ayaw ko na sanang ilahad pa ang problema ko pero wala na akong ibang maiiyakan. Masakit na ang dibdib ko at kailangan ko nang tulong lalo na sa isang katulad mong tagapayo sa mga pusong sugatan.

Gaya ng ibang letter senders, may problema din ako sa puso at sana’y mapagpayuhan mo ako. Gustung-gusto ko po ang mga payo ninyo dahil tunay na maka-Diyos.

Tawagin mo na lang akong Erlinda, 27-anyos at may problema sa asawa. Mayroon na kaming dalawang anak ng mister ko at noong unang apat na taon ay maligaya kami. Magiliw siya sa akin at sa aming mga anak. Wala na akong hahanapin pa sa kanya dahil nasa kanya ang katangian ng ulirang asawa.

Pero bigla siyang nagbago. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nagkukulang bilang asawa. Maayos naman ako sa sarili at maalaga sa aming mga anak at maging sa aming tahanan.

Biglang-bigla talaga ang pagbabago niya. Lagi na lang siyang umuuwi nang masyadong gabi na at kung minsan, kinabukasan pa lang siya umuuwi. Mayroon pala siyang iba.

Nalaman ko ito sa aking kaibigan na nakakita sa mister ko na may kaakbay na iba sa isang mall. Napakasakit malaman nito, Dr. Love.

Nagsimula ang pagbabago niya noon pang isang taon. Kapag tinatanong ko siya, lagi niyang sinasabing nag-oovertime siya.

Ayaw kong mag-usisa at baka siya magalit. Ayaw ko ring malaman ang totoo mula sa kanyang mga labi dahil masakit.

Ano ang dapat kong gawin?

Erlinda

 

Dear Erlinda,

Hindi ka nag-iisa sa ganyang problema. Sa tu­wing makatatanggap ako ng problemang kagaya ng sa iyo, iisa ang aking payo. Communicate. Kau­sapin mo siya nang masinsinan para maluna­san ang pinag-uugatan ng kanyang pangangaliwa sa iyo.

Walang mangyayari sa pagsasawalang-kibo at pagkukunwang walang problemang nangyayari. Sa tingin ko, ikaw ay nasa denial period. Hindi mo matanggap sa sarili mo na may karibal ka sa iyong minamahal na asawa. Ang dapat mong gawin ay humarap sa katotohanan nang may tama deter­mi­nasyong lutasin ang nangyayaring prob­lema.

Relasyon n’yong mag-asawa iyan at kailangang kumilos ka para ito masagip sa peligrong pag­ka­wasak.

Ang katotohanan ay talagang masakit. Pero hin­di puwedeng magkunwari ka na lang habam­bu­hay na walang nangyayaring problema sa buhay mo. Parang sakit na cancer iyan. Dahil sa denial ayaw mong kumonsulta at magpagamot sa doktor. Pero kahit pa cancer, may nakalaang lunas sa sakit na iyan kung gagamutin nang maa­ga. Sa kaso nin­yo, baka may panahon pa para malunasan ang problema ng inyong relasyon.

Mag-usap kayo at hanapan ng solusyon ang problema. Walang ibang makalulutas niyan kundi kayong dalawa lang.

Dr. Love

AKO

AYAW

DEAR ERLINDA

DR. LOVE

ERLINDA

MAYROON

PERO

PROBLEMA

SHY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with