Umibig sa iba

Dear Dr. Love,

Just call me Marlon, isang third year college student. Mayroon akong girlfriend. Tawagin mo na lang siyang Myrna. Tatlong taon na ang aming relasyon.

Pero may nakilala akong isang babae. First time kong ma-in love muli. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niligawan ko siya.

Iba ang feelings ko sa kanya. Mahal ko ang aking kasintahan pero iba ang intensity ng damdamin ko kay Irma.

Naging mag-on kami. For sure, natiyak ko sa sarili ko na mas mahal ko si Irma. Walang kaalam-alam si Myrna tungkol sa bago kong relasyon.

Hindi ko ipinakikita sa kanya na nanlalamig ako. Pero habang nagtatagal, parang naaawa na ako sa kanya.

Para bang niloloko ko lang siya. Pero hirap na hirap akong sabihin sa kanya ang totoo. Gusto ko na siyang kalasan pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas ng loob.

Tulungan mo ako Dr. Love.

Marlon

 

Dear Marlon,

Wala kang ibang magagawa kundi ipagtapat ang totoo. Mas masama kung lilinlangin mo siya at magkukunwang mahal mo pa rin siya.

Sooner or later ay malalaman din niya ang katotohanan kaya sabihin mo na ito sa kanya at harapin ang consequence nito. Ewan ko pero siguro’y makakatikim ka ng mura o kaya’y mag-iiiyak siya pero ganyan talaga.

O sige, magsimula ka nang magtipon ng lakas ng loob.

Dr. Love

Show comments