^

Dr. Love

Magkaibang relihiyon

-

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Umaasa ako na sa pagtanggap mo ng sulat kong ito ay nasa mabuti kang kalagayan at kalusugan. Ako nga pala si Len-len, 23-anyos at malapit na sanang ikasal sa boyfriend ko.

Nasabi kong sana dahil may problema kami ngayon. Katoliko po ako at ang boyfriend ko ay INC. Ito po ngayon ang nagsisilbing balakid sa aming pagpapakasal.

Gusto ng boyfriend ko na magpabinyag ako sa kanyang relihiyon. Pero tumututol ang mga magulang ko. Ako rin ay tumututol sa gusto ng boyfriend ko dahil isa rin akong saradong Katoliko.

Kaya hirap na hirap ako sa pagdedesisyon ngayon. Sabi ng boyfriend ko, kung hindi ako papayag ay mabuti pang maglimutan na lang kami.

Tulungan mo akong magpasya, Dr. Love.

Len-len

 

Dear Len-len,

Mahirap talaga kapag ang usaping namamagitan sa magkasintahan ay relihiyon. Puwera na lang kung papayag ang isa’t isa na manatili sa kani-kanilang pananampalataya kahit kasal na.

Sa iyong kaso, mabigat ang kondisyon ng iyong kasintahan. Kung hindi ka magpapa-convert ay maglimutan na lang kayo.

Sa ano mang pananampalataya, ang relihiyon ay katumbas ng relasyon sa Diyos na dapat bigyan ng prayoridad.

Kaya kung ang Diyos ang binibigyan mo ng pagpapahalaga, kalimutan mo na lang ang boyfriend mo.

Tutal siya ang may sabi na kung hindi ka magpapa-convert ay mabuti pang magkahiwalay kayo.

Dr. Love

AKO

BOYFRIEND

DEAR LEN

DIYOS

DR. LOVE

KATOLIKO

KAYA

LEN

MAHIRAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with