^

Dr. Love

Dapat bang mag-asawa muli?

-

Dear Dr. Love,

Ako’y nagpapasalamat at mayroong isang kolum tulad ng sa iyo na puwedeng dulugan ng mga taong may problema sa pag-ibig.

Harinawa’y datnan ka ng liham ko na malusog at malayo sa anumang kapahamakan at problema.

Ako po si Ruben, 29-anyos at hiwalay sa asawa. Isang taon na ang nakararaan, iniwanan niya ako at sumama sa ibang lalaki. Naiwan sa akin ang aming anak na babae na tatlong taong-gulang lang.

Siguro’y nasuya na ang asawa ko sa mahirap na buhay. Isa lamang akong mason at nagka­katrabaho lang kapag may project na hindi naman madalas mangyari.

Ang ginagawa ko, nagmamaneho rin ako ng tri-bike kapag walang proyekto. Hindi ako kasal sa misis ko kaya kung tutuusin, puwede akong mag-asawa muli.

Mayroon akong nagugustuhan pero natatakot na ako at baka maulit ang aking masaklap na kara­nasan.

Ano ang maipapayo mo sa akin?

Ruben

Dear Ruben,

Ang pag-aasawa ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Kung maliit ang iyong bagwis at hindi ka makalipad nang mataas, makabubuting huwag ka munang kumuha ng ka-partner mo sa buhay.

Ngunit kung makakakita ka ng babaeng uliran na talagang didibdibin ang pagiging partner ng isang lalaki at maghahanapbuhay din, maganda iyan. Pero tila mahirap hanapin ang ganyang klase ng “hiyas”.

Talagang ang kahirapan ay madalas maging sagwil sa maayos na pagsasama ng mag-asawa.

Magsumikap ka pa sa pagpupundar ng kabu­hayan hanggang sa maseseguro mo na mabi­bigyan ng magandang kinabukasan ang sino mang kaka­samahin mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR RUBEN

DR. LOVE

HARINAWA

ISA

ISANG

MAGSUMIKAP

MAYROON

RUBEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with