^

Dr. Love

Ang mister ay sumakabilang-bahay

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cynthia, isang “biyuda sa buhay.” Ibig sabihin, ang mister ko ay sumakabilang-bahay na. He-he-he.

Talagang dinaraan ko na lang sa biro ang mga pangyayari. Pa’no naman, kung seseryosohin ko ay baka mabaliw ako o pumanaw sa mundo. Huwag muna dahil may isa pa akong anak na pinapag-aral. Nasa high school pa lang siya.

May dalawang taon na kaming hiwalay ng asawa kong Mama’s boy. Overseas contract worker siya at nilason ang isip niya ng kanyang ina. Pinagtataksilan ko raw siya. Naniwala naman ang walang sariling bait kong mister kaya ngayo’y split kami.

Nagpapasalamat nga ako at hindi niya kinuha ang nag-iisa naming anak. Ako ay nagtatrabaho sa isang savings and loan company. Supervisor na ako rito. Mabuti nga’t na-promote ako dahil baka hindi ko makayanan ang pag-aaruga’t pagpapaaral sa aking anak.

Naiisip ko ring magkaroon ng partner. Mayroon akong masugid na manliligaw at gusto niya’y ipa-annul ang kasal ko sa mister ko tapos magpapakasal kami.

Tama ba ang gagawin ko kung sakali?

Cynthia

Dear Cynthia,

Kung totoo ang sinasabi mong biktima ka lang ng paninira, may karapatan ka namang lumigaya. Kaya lang, tama ang manliligaw mo. You work out your annulment and seek the legal advice of a lawyer tungkol diyan.

Siguro nama’y mapagtutulungan ninyo ng iyong avid suitor ang pagpapa-annul in terms of gastos.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR CYNTHIA

DR. LOVE

HUWAG

IBIG

KAYA

MAYROON

NAGPAPASALAMAT

NAIISIP

NANIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with