^

Dr. Love

Nagsisisi

-

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo at sa mga nagbabasa ng popular mong kolum. Tawagin mo na lang akong Bert.

Last year, mayroon akong kapitbahay na naging malapit kong kaibigan. Tawagin mo na lang siyang Iza. Gusto ko siyang ligawan pero nakikimi ako. Hindi ko alam kung bakit kapag kaharap ko siya ay umuurong ang dila ko na mag-propose ng pag-ibig.

Very close siya sa akin. Lagi siyang natatawa sa mga jokes ko. Kapag may problema siya sa school, ako ang una niyang kinakausap. Sinasabi pa niya sa akin kapag may mga suitor siya. Wala pa siyang boyfriend dahil wala raw siyang type.

Hanggang ganoon lang ang relasyon namin. Sinasabihan niya ako ng problems niya, kung minsan ganun din ako.

Hanggang sa nagpaalam siya sa akin. Pupunta na raw sila sa Amerika at naibenta na ang kanilang bahay.

Pinilit kong maglakas-loob pero hindi pa rin ako makapagtapat. Nakaalis na sila ngayon at ni hindi ko alam ang address nila sa USA.

Nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ko nasabing mahal ko siya. Alam ko na type niya ako. Ano’ng dapat kong gawin?

Bert

 

Dear Bert,

Pilitin mong makuha ang address niya. Baka may nakakakilala sa kanya na mga kamag-anak.

Kung makuha mo, sulatan mo siya and keep on writing to one another. Marahil naman, yung hindi mo masabi nang harapan ay maipagtatapat mo sa kanya sa sulat.

Hanapin mo rin siya sa internet at baka sakaling makuha mo ang e-mail address niya.

Sige, good luck na lang sa iyo at sana’y mag-krus muli ang inyong landas ni Iza.

Dr. Love

AKO

BERT

DEAR BERT

DR. LOVE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with