Huwag padalus-dalos

Dear Dr. Love,

Ako po si Lolita, 21-anyos at nagtatrabaho sa call center. Mayroon akong manliligaw at hindi ko matiyak ang damdamin ko sa kanya. Kabi-break lang namin ng boyfriend ko at medyo hindi pa ako nakaka-recover. Masyado kasi siyang playboy. Matangkad at guwapo po ang ex ko kaya siguro masyadong palikero sa babae. Ako ang nakipagkalas sa kanya.

Ang nanliligaw sa akin ay regular guy. Hindi pangit at hindi naman masyadong guwapo pero sobrang maalalahanin  at intelligent naman.

Kapag break time ay lagi niya akong ibinibili ng paborito kong burger sa McDo. Simple things ba na ina-appreciate ko.

Kaso, hindi ko matiyak ang sarili ko kung mahal ko talaga siya. Baka naman nangungulila lang ako sa pagkawala ng boyfriend ko. Kahit pogi ang ex ko, hindi ko nakita sa kanya ang ganoong kabaitan ng aking suitor ngayon. Dapat ko na ba siyang sagutin?

Lolita

 

Dear Lolita,

Pag-aralan mong mabuti ang damdamin mo. Tama ka na baka nangungulila ka lang.

You start off as friends at habang nagtatagal, malalaman mo kung may pagtingin ka sa kanya o wala.

Sabihin mo sa kanya na bigyan ka ng pagkakataong pag-aralan ang iyong sarili. Mas mabuti na ang sigurado kaysa agad mo siyang sasagutin pero sa dakong huli’y magbabago ka.

Dr. Love

Show comments