^

Dr. Love

Takot nang magmahal

-

Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo, gayundin sa iba ninyong kasamahan sa inyong pahayagan.

Mataos po akong bumabati sa inyo at nagpa­pasalamat dahil sa mahalagang tulong na ginagawa ninyo sa pamamagitan ng payo sa mga lumiliham sa inyong may problema.

Isa po akong masugid na tagasubaybay at mam­babasa ng inyong column.

Ako nga po pala si Daniel Aquino, tubong Batan­gas City at nakakulong sa pambansang piitan.

Kahit mahirap, alam kong ang isang nakagawa ng pagkakasala ay kailangang magbayad sa kama­liang nagawa sa lipunan at sa mata ng Diyos.

Alam kong mahirap masadlak sa lugar na ito pero kailangang paglabanan ko ang anumang hirap na dinaranas dahil alam kong isa lang itong pagsubok sa aking katatagan at sa tiwala sa Panginoon.

Kaya naisipan kong mag-aral dito sa loob. Pero mayroon tayong kasabihan na kapag ginusto mo ang isang bagay, kahit ano ay magagawa. Pero kung hindi interesado sa isang bagay, kahit magaan ay hindi mo ito magagawa.

Nais ko pong ibahagi sa marami ninyong mam­babasa ang dalawang masaklap na karanasan ko sa pag-ibig. Ito ang dahilan kung bakit takot na akong mag­mahal at maging isang woman-hater.

Noong hindi pa po ako nakakulong, may nakilala akong babae na ang pangalan ay Sheryl. Isa siyang kamag-aral ko.

Masaya kami kung magkasama lalo na nang maging magkasintahan na kami.

Ang akala ko, hindi kami kayang paghiwalayin ninu­man. Pero nang makulong ako, nasira na ang aming relasyon.

May natanggap na lang akong liham na nama­maalam na si Sheryl dahil lilipat na raw siya ng pa­aralan. Nais daw siyang ilayo sa akin ng kanyang mga magulang sa pangambang pati kinabukasan niya ay maaapektuhan dahil sa relasyon niya sa akin.

Masakit tanggapin ito pero wala akong magawa kundi tanggapin ang mapait na desisyon.

Tatlong taon po akong nakulong sa bilangguan ng Batangas City at may nakilala akong isang babae na naging kaibigan ko. Hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na umiibig sa kanya.

Nagkalapit kami. Ang akala ko, siya na ang babae para sa akin. Pero lumipas ang tatlong taon, bigla siyang nagbago. Hindi na siya sumusulat sa akin at nalaman ko na lang na mayroon na siyang ibang boyfriend.

Wala akong magawa. Aaminin ko, hanggang ngayon ay mahal ko pa si Lhidz. Pero ang paglimot niya ang naging daan para mawalan na ako ng tiwala sa mga babae.

Pero tama po bang patuloy kong buhayin sa aking alaala ang masasakit na karanasan ko sa buhay? Dapat ko ba itong kalimutan na?

Pero natatakot po akong magmahal na muli dahil ayaw ko nang masaktan. Maraming salamat po at hangad ko ang mahalaga ninyong payo.

Daniel Aquino

1-A Student Dorm,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City  1776

 

Dear Daniel,

Ang dalawang masaklap na karanasan mo sa pag-ibig ay hindi dapat na maging hadlang para muli kang umibig sa iba at mabalik ang tiwala sa kababaihan.

Hindi lahat ng  babae ay nagtatalusira. Kaya nga lang,  dapat na maging maingat ka sa pagpili ng mamahalin.

Marahil ang dalawang inibig mo ay hindi ganap ang pagmamahal sa iyo. Mas mahal nila ang sarili at ang kanilang kinabukasan. Hindi mo rin sila dapat na sisihin dahil nga sa sitwasyon mo.

Sa ngayon, pagbutihin mo na lang muna ang pag-aaral para sa sandaling lumaya ka na, may maga­gamit kang puhunan sa pagpapanibagong tatag ng sariling kapakanan. Saka mo na harapin uli ang pag-ibig kung nakahanda ka na uling magtiwala sa babae. Ito ay kung mayroon ka nang maipapangakong magandang bukas sa babaeng mamahalin mo.

Habang nandiyan ka sa loob ng piitan, talagang maiinip ang babaeng magiging nobya mo. Palagi siyang matutukso na humanap ng iba dahil wala ka kung kailangan ka niya at kung nalulungkot siya.

Kaya  pagbutihin mo ang pagpapakita ng mabuting asal para mapadali ang paglaya mo at bumalik uli sa malayang lipunan nang may ganap na kahandaan ang sarili sa mga pagsubok pang darating sa buhay mo.

Good luck.

Dr. Love

AKONG

DANIEL AQUINO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with