Huwag ibenta ang sarili

Dear Dr. Love,

Nagpapaabot po ako sa inyo ng aking mainit na pagbati. Isali na rin ang buong staff ng NGAYON at ang maraming palagiang nagbabasa ng inyong kolum.

Ako po si Mina, 30-anyos at sa murang gulang ay nabiyuda nang ang mister ko na isang construction worker ay mamatay sa aksidente.

Naiwan niya sa akin ang aming limang anak. Isa lamang akong beautician at manikurista at kapos na kapos ang kinikita ko para  maitaguyod sila.

May isang matandang lalaking customer ko sa manicure. Dalawampung  taon ang tanda niya sa akin at isa rin siyang biyudo. Sabi niya ay gusto niya ako pero ang gusto lang niya ay magde-date kami paminsan-minsan at siya raw ang bahala sa pag-aaral ng aking mga anak. Sabi niya, bibigyan niya ako ng sustentong P20,000 bawat buwan.

Kung tutuusin, malaking bagay ito para sa pamilya ko. Pero hindi ba pangit ito? Para akong lalabas na paupahang babae. Tulungan mo sana ako sa pagpapasya.

Mina

 

Dear Mina,

Kapag pumatol ka sa matandang iyan, ganun na nga ang kalalabasan mo. Isang prostitute. Paano kung magsawa na siya sa iyo na halos natitiyak kong mangyayari? Magkaroon ka naman ng dangal sa iyong sarili, Mina. Sabi nga ng Salita ng Diyos, ang kara­ngalan ay higit pa sa kayamanan. Mag­ sikap ka na lang sa kasalukuyan mong tra­baho at naniniwala akong pagpapalain ka ng Diyos.

Dr. Love

Show comments