Dapat bang makipag-break?
Dear Dr. Love,
First of all, let me congratulate you for being the number one love-advice column in all the tabloids in the
Tawagin mo na lang akong Raymond. Ako ay binatang nasa gulang na 25-anyos. Mayroon akong girlfriend. Tawagin mo na lang siyang Sharmaine. Tatlong buwan na ang aming relasyon.
Pero kinakantyawan ako ng mga katropa ko. Masyado daw liberated si Sharmaine at nakikipag-date sa ibang lalaki. Pero sa mga dinner lang at hindi sa mga private place.
Isa kasing account executive si Sharmaine sa isang ad agency. Sabi niya sa akin, trabaho lang at dapat akong magtiwala sa kanya.
Panatag naman ang loob ko sa sinabi niya. Pero isang araw, sa aking pamimili sa isang mall, nakita ko si Sharmaine na may ka-holding-hands habang papaakyat ng escalator. Sumunod ako secretly at nakita ko nang bumili sila ng ticket sa takilya ng isang sinehan. Parang dinurog ang puso ko.
Dalawang linggo na ang nakalilipas at hindi ko isinusumbat sa kanya ang nakita ko. Nakakahalata siya na malungkot ako kapag magkasama kami. Ayaw kong magsalita dahil mahal ko siya at baka tuluyan kaming mag-break. Natatakot ako. Dapat ko na bang putulin ang relasyon sa kanya?
Raymond
Dear Raymond,
Bago ka makipagkalas, kausapin mo muna siya at alamin kung sino yung kasama niya. Baka naman close relative lang niya, just to give her the benefit of the doubt.
Although normally, ang naghoholding hands ay magkasintahan lang bagamat may mga cases na ang magkapatid o magpinsan o kaya’y sobrang close na magkaibigan ay gumagawa rin ng ganyan. But you have the right to ask. Kahit mahal mo siya, kung talagang double timer siya, dapat mo’ng wakasan ang relasyon sa kanya.
But as I have said, open first the communications line. Mag-usap muna at magkaintindihan kung dapat na bang wakasan ang inyong relasyon.
Dr. Love
- Latest
- Trending