^

Dr. Love

Trapped in a man’s body

-

Dear Dr. Love,

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Timmy. Sa panlabas na anyo ay babaeng-babae ako pero ang damdamin ko ay lalaki. Hindi ako nagkakagusto sa lalaki kundi sa kapwa ko babae.

Walang nakakaalam nito kahit pa mga magulang ko, kaanak o mga kaibigan ko. Ayo­kong lumantad at alam kong ito’y ikagagalit lalo  na ng aking mga magulang.

Sa ngayon ay 19-anyos na ako at mara­ming manliligaw. Sinubukan kong mag-boy­friend ng guwapo. Baka sakaling maantig ang damdamin kong babae ngunit walang nangyari.

Iniisip ko ngayon na makipag-break na sa boyfriend ko matapos ang isang buwan naming relasyon. Pero naaawa naman ako dahil mahal na mahal niya ako.

Dapat ko bang harapin ang katotohanan at ilan­tad sa publiko ang tunay kong damdamin? Tulu­ngan mo ako, Dr. Love.

Timmy

 

Dear Timmy,

Katulad din ng mga bakla at ibang tom­boy, hindi ninyo kasalanan na isilang na gan­yan  ang inyong damdamin.

Pero naniniwala ako na dahil mayroon kang desire o pagnanais na magbago, ma­ga­­gawa mo iyan basta’t mayroon kang de­ter­minasyon.

Hindi kinukondena ng Diyos ang pagiging bakla o tomboy pero mahigpit Niyang tinututulan ang gawang imoralidad. Kahit naman ang ibang normal ang kasarian, ba­bae o lalaki ay maaaring malu­long sa imoral na gawain at ito’y hindi kalugud-lugod sa Diyos.

Marami akong kakilalang sa tulong ng Diyos at pagbabasa ng Bibliya ay nagawang supilin ang conflict sa kanilang kasarian. Ang kinakailangan mong gawin ay manalangin nang taimtim at hingin ang intervention ng Diyos para ka magbago.

Dr. Love

AKO

DEAR TIMMY

DIYOS

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with