^

Dr. Love

Palabigasan?

-

Dear Dr. Love,

 Magandang araw sa iyo at sa angaw-angaw mong tagasubaybay. Lagi akong nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON at nakakagiliwan kong basahin ang Dr. Love column.

Tawagin mo na lamang akong Bert, 49-anyos  at isang negosyante. Matandang binata ako.  Mayroon akong kinakasamang 19-anyos.  Sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na masya­dong bata para sa akin si Naomi. Pinupuna rin nila ang kanyang luho. Tuwing may bagong modelo ng cellphone, maglalambing siya sa akin at agad ko naman siyang bibigyan ng pambili.

Hindi ko iniintindi ang puna ng iba. Basta’t ang alam ko, maligaya ako sa piling ni Naomi. Ako rin ang nagpapaaral sa kanya.

Isang araw, kinausap ako ng isang kaibigan. Nakita raw niya si Naomi na may ka-date sa isang fast food. Very sweet daw sila. Hindi ko ito agad pinaniwalaan. Pero maski paano, nagdududa na ako sa katapatan ni Naomi.

Umupa ako ng isang espiya para tiktikan siya.  Nakunan si Naomi ng litrato na nakaakbay sa kanya ang lalaki na singgulang niya.

Masama ang loob ko dahil napatunayan kong niloloko lang ako ni Naomi. Hindi ko pa siya kinakausap tungkol dito at baka masaktan ko siya. Ano ang gagawin ko?

Bert

 

Dear Bert,

Huwag mo siyang saktan. Kausapin mo nang maayos para magkahiwalay kayo ng maayos. Sa gulang mo ngayon, may isip ka na para mau­nawaang kung may papatol man sa iyong bata, malamang ay yung maibibigay mo lang sa kanya ang gusto. Masakit mang pakinggan, mistula kang gatasan o palabigasan.

Ikaw ang sumuot sa sarili mong problema kaya huwag mo nang dagdagan pa.

Dr. Love

AKO

BERT

DEAR BERT

DR. LOVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with