^

Dr. Love

Mahal ba niya ako?

-

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo at hari­na­wang nasa mabuti kang kalagayan sa pag­tanggap mo ng sulat kong ito.

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Lo­ren­zo, nakatakdang sumapit sa edad na 60 sa Abril ng taong ito.

Ako’y isang biyudo at may kinakasamang 23-anyos na dalaga. Hindi mo naitatanong, mayaman ako at sunod sa luho ang aking kina­­kasama  na akin pang pinagtatapos ng kolehiyo.

Maalaga naman at mapagmahal siya. Pero hindi ko maseguro kung totoo ang pag­mamahal niya sa akin o dahil lamang nasu­sunod ko ang mga pangangailangan niya pati na ang kanyang pag-aaral.

Hindi ako pinakikialaman ng aking mga anak na pawang may mga asawa na. Sabi nila, suportado nila ako kung saan ako mali­gaya.

Sa tuwing kami’y nag-uulayaw, parang hindi ko nadarama ang init ng pag-ibig gaya ng nadama ko sa aking yumaong asawa nang nabubuhay pa. Tuwing maglalapat ang aming mga labi, parang pinipilit lang niya’ng “masiyahan” upang maligayahan ako.

Niyayaya ko siyang magpakasal pero ayaw niya. Baka raw isipin ng aking mga anak na habol niya lang ang mamanahin sa akin.

Mahal kaya niya ako?

Lorenzo

 

Dear Lorenzo,

Mahirap sagutin ang tanong mo. Ang pag-ibig ay nararamdaman ng tao, bagay na imposible kong husgahan. Ikaw lang ang ma­kapagsasabi niyan.

Pero kung maalaga naman siya sa iyo, wala ka nang dapat hanapin pa. Unang-una, malayo ang agwat ninyo sa edad at posible ngang pumatol lamang siya sa iyo dahil ikaw ang makapagbibigay ng katuparan sa kan­yang pangarap. At kung maganda naman ang ipinakikitungo mo sa kanya, hindi mala­yong kahit para ka na niyang lolo ay ma­tu­tuhan ka rin niyang mahalin. Love begets love.

Ngunit ang pagtanggi niyang magpaka­sal upang ipakitang hindi lamang kaya­manan ang habol niya sa iyo ay isang indi­kasyon na mahal ka niya talaga. Huwag mo nang bagabagin ang iyong sarili sa pagdu­du­da sa katapatan ng iyong kinaka­sama. Makuntento ka na lang sa maganda niyang ipi­nakikita sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR LORENZO

DR. LOVE

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with