^

Dr. Love

Selosa ang girlfriend

-

Dear Dr. Love,

A very warm greetings to you. My name is Abner, an Electrical Engineering student. Sumulat ako dahil sa problema ko sa siyota kong si Marisse na sobrang selosa.

We have been on for almost six months now. Habang nagtatagal, lumalabas ang kanyang pagka-demanding. Gusto niyang  lagi ko siyang inihahatid at sinusundo sa kanilang bahay. Kapag hindi ko nagawa ang gusto niya, iisipin niyang may iba akong babaeng ini-entertain.

Gusto kong gawin ang gusto niyang hatid-sundo pero may iba akong obligasyon. I’m a working student and sometimes, my schedule runs in conflict with the time na gusto niyang magpasundo o magpahatid.

Kung minsan, I feel na she is demanding for the impossible dahil gusto na niya akong i-dump. Ewan ko, baka nagkakamali ako ng iniisip.

There was a time nang sinamahan kong mamili sa isang mall ang aking kapatid na babae. Nakita pala niya kami at nang magkita kami, ito’y isinumbat niya sa akin. Ayaw niyang maniwalang kapatid ko ang kasama ko. Dr. Love, she’s unreasonable.

Mahal ko si Marisse pero nakakairita kung minsan. Ano ang dapat kong gawin?

Abner

 

Dear Abner,

Isama mo siya sa inyong bahay at ipa­kilala sa iyong mga magulang at kapatid. Ma­buti na’ng magkakilakilala sila para  mapawi ang ano mang pagdududa niya sa iyo.

Sikapin mong mabigyan siya nang assurance na mahal mo siya at hindi mo siya ipagpapalit kanino man. May mga tao talaga na sobra ang pagkaseloso o selosa.

Give her a chance na magbago. At kung ta­lagang mananatili ang kanyang pagiging ma­panibughuin, siguro it’s time for you to re­think your standing. Okay ang magselos pero kung ito’y nakakarating sa point of un­rea­sonableness,  malamang makaapekto ito sa inyong future relations as husband and wife.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ABNER

DR. LOVE

ELECTRICAL ENGINEERING

MARISSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with