^

Dr. Love

May asawa na pala ang crush niya

-

Dear Dr. Love,

Just call me Leny, 18 years-old. May bagong lipat sa katabi naming apartment. Nang papasok na ako sa school, kasabay ko siyang lumabas ng pintuan. Nginitian niya ako at nag-hello.

Oh gosh!  Para akong nasa cloud nine. Ang guwa­po niya!  He is probably 21 years-old at muk­hang artista. He looks like Jericho Rosales.  Mula noon,  lagi ko siyang iniisip. Lagi kong inaabangan ang paglabas niya ng bahay.

Until one day habang naghihintay ako sa labas, lumabas siya pero may kasamang babaeng preggy.  Ipinakilala niya sa akin ang babae at may asawa na pala siya.

Para akong nabagsakan ng langit. Pero that didn’t diminish my admiration for him. Lagi ko pa rin siyang inaabangan at umaasang papansinin niya ako at liligawan. Kahit may asawa na siya, I will make patol to him kung liligaw siya sa akin. Ma­ganda naman ako. Mas maganda pa nga ako sa misis  niya.

Ano ang gagawin ko para pansinin niya?  Talagang crush na crush ko siya.

Leny

 

Dear Leny,

No, no. Itigil mo ang kahibangan mo. May asawa iyan at huwag mong sirain ang magandang pagsasama nilang mag-asawa.

Admiration lang iyan at puwede mong maibaling sa iba na eligible. Bata ka pa at naiintindihan ko ang damdamin mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay dapat sundin ang damdamin.

Kung ikaw ang may asawa, papayag ka bang agawin siya ng ibang babae? I’m sure hindi. Kaya huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo.

Dr. Love

 

DEAR LENY

DR. LOVE

JERICHO ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with