Tama ba?
Dear Dr. Love,
Matagal ko nang problema ito at gusto kong ikonsulta sa iyo. Tawagin mo na lang akong Bert, 51-anyos at isang biyudo. Noong isang taon lang namatay ang asawa ko.
Bago siya namatay ay nagkaroon ako ng relasyon sa aming housemaid. Naging taksil ako sa aking misis kaya nang mamatay ang asawa ko ay gayun na lamang ang aking pananangis. Namatay sa sakit na cancer of the cervix ang misis ko. Dalawang taon din siyang nagdusa sa kanyang sakit. Iyan ang dahilan kung bakit humanap ako ng ibang kandungan na natagpuan ko sa aming maid.
Iniisip ko ngayon, marahil ay naiintindihan ako ng aking misis saan man siya naroroon ngayon. Lalaki lang ako na may pangangailangan. Pero maski papaano, parang may sumbat sa aking konsensiya. Bakit ko nagawa iyon sa isang asawa na uliran at mapagmahal na ang tanging pagkukulang ay hindi na niya maibigay sa akin ang init ng pag-ibig dahil sa kanyang sakit?
Noong una, akala ko’y parausan ko lang ang aming housemaid. Wika nga, upang bigyang-laya ang nagpupumiglas kong damdamin. Hindi pala. Napamahal na siya sa akin. Hanggang ngayon ay nagsisiping kami as if mag-asawa kami. Hindi alam ng aking kaisa-isang anak na may asawa na ang aming relasyon. Ewan ko kung papayag siya sa aming relasyon.
Trenta-anyos na si Becky at dating may kinakasama. Tama ba kung magpapakasal ako sa kanya?
Bert
Dear Bert,
Wala namang batas na nagbabawal kanino man, basta’t walang legal impediment, na magpakasal kahit kanino, ano man ang estado sa buhay.
Tungkol sa anak mo, ipagtapat mo ang lahat sa kanya. Maaaring tumutol siya pero wala siyang karapatan para pigilin ang gusto mo.
Kung nagkasala ka man
May karapatan kang lumigaya at ang daigdig ay hindi dapat huminto sa pagyao ng iyong mahal na kabiyak.
Dr. Love
- Latest
- Trending