^

Dr. Love

Biyudo, pakakasalan  ang hipag

-

Dear Dr. Love,May isang problema ako sa pamilya. Naisipan  kong sumulat sa iyo upang humingi ng payo. Matagal na akong sumusubaybay sa iyong kolum at natutuwa ako sa mga ibinibigay mong advice.

Tawagin mo na lang akong Nitz. Ang prob­lemang ikokonsulta ko ay tungkol sa aking ama. 

Dalawang taon nang namayapa ang aking ina at kaming magpapamilya ay nagulat nang sabihin niya sa amin na mag-aasawa siyang muli.

Okay lang sa amin na mag-asawa siya dahil hindi naming maibibigay sa kanya ang kalingang maibibigay ng isang asawa.

Kaya lang, ang pakakasalan ng aking ama ay ang aming tiya na kapatid ng aking yumaong ina. 

Matandang dalaga ang aming tiya at ngayon lang namin nalaman ang kanilang istorya. Siya pala ang orihinal na nobya ng aking ama.

Pero there was a sudden twist of fate at ang pinakasalan ng aking ama ay ang aming ina.

Mabigat sa loob naming magkakapatid na ang aking tiya ang pakakasalan ng aming ama. Parang nahahalayan kami dahil kadugo namin ang babaeng pakakasalan niya.

Dapat ba naming payagan ang aming ama na pakasalan ang aming tiya?

Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Nitz

 
Dear Nitz,

Walang batas na nagbabawal diyan. Wala rin akong nakikitang mahalay sa gagawing pagpa­pakasal ng iyong ama at iyong tiya.

Maganda nga na kapatid ng iyong ina ang mapa­­­pangasawa niya at hindi na kayo mag-aadjust dahil siya ay isang kadugo ninyo. She is the best person to take the place of your departed mother.

Isa pa, magandang oportunidad ito upang maipagpatuloy nila ang kanilang naudlot na pag-iibigan. The way I see it, isang tapat na katipan ang iyong tiya dahil nagpakatanda siyang dalaga alang-alang sa iyong ama.

Dr. Love

AKING

AMA

DEAR NITZ

DR. LOVE

NITZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with