Limutin mo na ako
May 8, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sumainyo po ang kapayapaan mula sa Diyos Ama sampu ng mga mahal ninyo sa buhay.
Isa po ako sa masusugid ninyong tagasubaybay. Sumulat po ako sa inyo upang humingi ng payo at mailathala ko ang masaklap kong karanasan sa buhay.
Ako po pala si Bobby Herrera, tubong Sorsogon sa Bicol at 31 taong- gulang na.
Sa kasalukuyan, ako ay nakapiit dito sa Inagawan Sub-Colony sa Puerto Princesa, Palawan.
Noong 1994, nakakilala ako ng isang babae na nagpatibok sa aking puso. Itago na lang po natin siya sa pangalang Jenny. Naging magkasintahan kami matapos kong pagsikapang ligawan siya at mapaibig. Nagsama kami sa loob ng apat na taon.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nakautang ako ng buhay sa pagtatanggol ko sa kanya. Taong 1998 noon.
Halos apat na taon din akong nagtago sa batas at hindi kami nagkikita. Taong 2001, muli kaming nagkita ng aking kasintahan at muli kaming nagsama.
Nasampahan ako ng demanda at nasentensiyahan ng pagkabilanggo mula walo hanggang 14 na taon noong Hunyo 2005.
Napiit ako sa Muntinlupa at tuloy pa ang dalaw sa akin ni Jenny. Nasama ako sa mga nalipat sa Iwahig Prison & Penal Farm sa Palawan.
Kahit ako narito na, tuloy pa ang aming komunikasyon sa isa’t isa sa pamamagitan ng sulat at cellphone.
November 27, 2006, araw pa naman ng aking kapanganakan, tumawag siya sa akin. Ang inaasahan ko ay kagalakan ang ibabalita niya sa akin.
Pero ang pinakamapait na hiniling niya sa akin ay huwag na raw po akong umasa sa aming relasyon dahil magpapakasal na siya sa iba.
Naisipan ko po kayong sulatan para humingi ng inyong payo. Hindi ko na po makayanan ang problemang dumating sa buhay ko.
Payuhan po ninyo ako at sana ay mabigyan ng mga kaibigan na handang umunawa sa akin kahit sa panulat man lang.
Umaasa,
Bobby Herrera
Dear Bobby,
Isa ring mataos na pagbati ang ipinaaabot ng pitak na ito sa iyo at sa iba pang mga kasamahan mo diyan sa Iwahig.
Alam mo, masakit man sa loob na tanggapin ang hinihiling ng nobya mo, sana matanggap mo ang katotohanan na sa isang banda, maaaring may matwid siya.
Bagaman nagmamahalan kayo pareho, malayo naman kayo sa isa’t isa. Hindi ninyo maibibigay sa isa’t isa ang kailangan ninyong kalinga at atensiyon na mahalagang sangkap sa pagsasama ng dalawang nagmamahalan.
Ang isa mo lang konsuwelo, naging matapat naman siya sa pagsasabi ng totoo na nagbago na siya. Hindi na niya kayang maghintay sa iyo at marahil ay mayroon na rin siyang ibang natagpuang nagmamahal sa kanya.
Sana, bigyan mo na siya ng laya para na rin sa kapayapaan ng iyong damdamin.
Dagdagan mo na lang ang pasensiya at paghingi ng tulong sa Panginoon para makayanan mo ang lahat na dumarating na sigwa sa iyong buhay.
Sa pamamagitan ng pitak na ito, hangad namin na makatagpo ka ng mga kaibigan na dadamay at makakaunawa sa iyo.
Ang mga nagnanais na lumiham kay Bobby ay mangyaring sumulat sa address na ito:
Bobby Herrera
c/o Fr. Jonathan Anteza
NBP Ministries, P.O. Box 213,
Puerto Princesa City,
Palawan 5300
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended