Tunay na kaligayahan
April 10, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Una po sa lahat, isang masaganang pagbati sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng malaganap ninyong pahayagan.
Ang dalangin ko po, sana’y lumawig pa ang pitak ninyong ito para marami pang tulad ko na may problema sa buhay ang matulungan ninyo sa pamamagitan ng mahalagang payo.
Ang tawag po sa akin dito sa loob ng pambansang bilangguan ay "Boy Life." Ang dahilan po, habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol sa akin matapos kong mapatay nang hindi sinasadya ang lalaking nagtangkang pagsamantalahan ang kapatid ko.
Ang lalaking ito ay nanliligaw sa aking kapatid. Mabait sana siya pero kapag napangibabawan ng epekto ng alak, nagbabago ang kanyang ugali.
May kaya sila sa buhay at ito marahil ang dahilan kung bakit sa halip na homicide ay murder ang naging kaso ko at habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol sa akin.
Sa bahay namin nangyari ang krimen. Nadatnan ko kasi sa aming tahanan ang biktima na pinagsasamantalahan ang aking kapatid at ang maysakit kong ina ay sinaktan niya.
Sa tindi ng pagkabigla ko at sa malaking galit sa ginawa niya sa aking kapatid at ina, kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at pinagsasaksak ko ang biktima.
Sumuko ako sa mga alagad ng batas at heto nga ako ngayon, nakabilanggo sa hindi ko naman sinasadyang pagkakasala.
Ginawa namin ang lahat para mapababa sa salang homicide ang nagawa kong pagkakasala pero bigo kami dahil sa kawalan ng salaping magagastos sa apela.
Taong 1995 nang gawaran ako ng sentensiya sa edad na 22 years-old. Ngayon ay 35 taong-gulang na ako kaya nga ako nabinyagan ng taguring Boy Life.
Hindi po ako nagsisisi sa ginawa kong pagtatanggol sa aking pamilya laban sa isang taong bagaman kung titingnan ay mabait pero nawawala sa katinuan kapag nangingibabaw ang ispiritu ng alak.
Malungkot ako dito sa loob. Ni hindi ko pa alam kung ano ang pakiramdam ng tunay na kaligayahan.
Kaya sa pamamagitan po ng pitak na ito, nais kong magkaroon ng isang kaibigan sa panulat na makakaunawa sa aking kalagayan.
Salamat po sa inyo at more power to you.
Gumagalang,
Ricky A. Demata "NG"
Student Dorm I-A
Y.R.C. Bldg., Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Ricky,
Salamat sa liham mo at sana sa pamamagitan ng liham na ito, maramdaman mo na kahit nandiyan ka sa loob, mayroon pa ring mga taong naghahangad ng iyong kaligayahan at kapakanan.
Mayroong mga pangyayari sa buhay na dumarating na ating tinatangisan dahil naganap sa kabiglaanan. Hindi kita sinisisi sa pangyayaring naganap sa buhay mo. Pero darating din ang panahon, sa sandaling maipakita mong ganap kang nagsisisi, maaaring mapababa pa rin ang sentensiya mo.
Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Habang may buhay, laging malakas sana ang loob mo na malalampasan mong lahat ang mga pagsubok na dumating at darating pa sa iyo.
Mabuti at nagpapatuloy ka ng pag-aaral diyan sa loob. Ituloy mo iyan at lakipan pa ng dagdag na tiyaga at kabutihang asal para mapababa ang hatol sa iyo.
Malay mo, baka sa susunod na pagsusuri ng mga awtoridad, makasama ka na sa pagkakalooban ng commutation of sentence kundiman pardon.
Magpakatatag ka pa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended