Shame and scandal in the family
March 29, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bayaan mong batiin ko kayo at ang lahat ng mga tagasubaybay at staff ng Pilipino Star NGAYON. Harinawang nasa mabuting kala gayan kayo sa pagtanggap ng sulat kong ito.
Matagal na akong nagbabasa ng kolum mo Dr. Love at nais kong ibahagi ang aking kasaysayan ng pag-ibig na hindi karaniwan.
Tawagin mo na lang akong Bart, 19 years old at nag-aaral pa ng Computer Engineering. Sa pamantasang pinapasukan ko, nakilala si Edna. Ka-edad ko siya. Na-love at first sight ako kay Edna, Dr. Love. Niligawan ko siya at napasagot matapos ang dalawang linggo. Naikuwento ni Edna sa akin na nag-iisa siyang anak at single parent ang kanyang ina. Naipakilala ko na rin si Edna sa aking ina nang minsang dalhin ko siya sa aming bahay. Botong-boto sa kanya ang ina ko. Gusto nga niya ay siya ang makatuluyan ko pagdating ng araw.
Inimbita ako ni Edna sa bahay nila at nakilala ko ang kanyang ina. Sa pag-uusap namin, inusisa niya kung sino ang aking mga magulang. Nang sabihin ko ang pangalan ng aking ama, para siyang natuklaw ng ahas. Matagal at parang hinahagilap ang sasabihin.
Di nagtagal ay nagsalita siya. Ang sabi niya’y iisa ang aming ama ni Edna. Si Edna ay anak nila sa pagkakasala ng aking ama. Si Edna ay kapatid ko pala sa ama. Parang natulala si Edna nang malaman ang isang matagal nang lihim. Kasunod noon, agad naming ipinasya na tapusin ang aming relasyon dahil magkapatid kami.
Itinatanong ng aking ina kung bakit hindi ko na ipinapasyal sa amin si Edna tulad ng dati. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na maaaring pagkagalitan nila ng ama ko?
Gumagalang,
Bart
Dear Bart,
Kung ang pagsasabi ng totoo ay magiging sanhi ng seryosong sigalot sa pamilya mo, huwag mo na lang itong sabihin. Sabihin mo na lang sa ina mo na nagka-break na kayo. Tutal, ang nakaraan ay nakaraan na. Marahil naman ay napagsisihan na ng iyong ama ang kanyang kasalanan.
Kapag nalaman pa ng iyong ina ang ma sakit na nakaraan, maski papaano’y sasama ang kanyang loob at magkakaroon ng lamat ang relasyon nila ng iyong ama. May mga bagay na kung puwedeng panatilihing lihim ay itago na lang hanggang kamatayan.
Kung minsan ay mapagbiro ang tadhana pero tama ang pasya ninyo ni Edna na tapusin na ang inyong kaugnayan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended