^

Dr. Love

Gustong magbago pero di-magawa

-
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lamang akong Marc, 30-anyos. May asawa ako at pitong taon na kaming kasal. Dalawa na ang aming anak.

Mahal na mahal ko ang aking misis. Ang problema ko ay ang aking pag-inom at pambababae. Yung pag-inom ay naiiwasan ko pero hindi ang pambababae.

Kapag nagkakatuwaan kami ng mga katropa ko after office work, ang bagsak namin ay sa night club. Dalawang beses lang isang buwan ang aming gimik.

Kaya lang, tuwing lalabas kami, tiyak nagte-table kami ng GRO.

Siguradong-sigurado na ite-take out namin ang aming mga ka-table at alam mo na ang kasunod.

Minsan na akong nagkasakit at habang naggagamot ako, hindi ako sumisiping sa aking asawa. Mahigit isang buwan iyon dahil ayaw kong maisalin sa misis ko ang aking STD.

Nangyayari ang pakikipagtalik ko sa mga bayarang babae kapag ako’y lasing na. Gusto kong magbago pero hindi ko mapigil ang sarili ko.

Tulungan mo ako, Dr. Love.
Marc


Dear Marc,


Kung mahal mo ang iyong asawa, magiging tapat ka sa kanya. Yun nga lang makipagrelasyon ka sa babaeng hindi bayaran ay mali na, yun pa kayang "buy-sexual" ka? You buy sex when you need it.

Ano ang importante sa iyo, ang katropa mo o pamilya? Timbangin mo. Kung hindi mo maiwan ang iyong tropa, hiwalayan mo na lang ang misis mo na sinasabi mong mahal mo at baka siya masalinan ng nakapandidiring sakit next time.

Isa pa, may edad ka na at may responsibilidad sa iyong pamilya.

Dr. Love

ANO

DALAWA

DALAWANG

DEAR MARC

DR. LOVE

ISA

KAPAG

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with