Stepfather
February 22, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Seryoso ang problema ko sa pamilya ko kaya ako sumulat sa iyo. Nawa’y matulungan mo ako . Tawagin mo na lang akong Tony, 19-anyos at isang college student. Limang taon nang biyuda ang aking ina. Napansin namin ng aking mga kapatid ang pagbabago ng ugali niya nitong nakalipas na ilang buwan. Lagi siyang masaya at sabi nga ng iba ay "blooming." Hindi naman siya dating ganyan. Pero kung mag-ayos siya ng katawan ngayon ay parang isang teen-ager.
Nabalitaan namin na may kinalolokohan siyang lalaki. Isang dance instructor na kasing edad ko lang. Una’y inakala naming tsismis lang ito. Pinababayaan namin siyang mag-ballroom kasama ng kanyang mga kaibigan dahil she deserves to unwind naman. Ngunit nakumpirma namin ang balita. Nakita ng kapatid kong bunso nang siya’y mag-excursion sa Tagaytay kasama ang mga kaklase niya sa ballroom dancing. Magkayakap ang aking ina at ang lalaki sa isang park. Very sweet sila.
Tutol kaming magkakapatid sa relasyon ng aming ina sa isang lalaking puwede na niyang maging anak. Mayaman kami at ang kayamanang ito’y pundar ng aking namayapang ama.
Nang tanungin namin siya, inamin ito ng aking ina at sinabing magpapakasal daw sila. Ayaw naming magka-stepfather na isang ring halos paslit na katulad namin.
Paano namin mapipigil ang kanyang pagpapakasal?
Tony
Dear Tony,
Malamang nga ay may personal na intensyon ang lalaki sa iyong ina dahil mahirap yatang paniwalaan na ang isang 19-anyos ay umibig sa babaeng para na niyang ina. Pero mahirap tukuyin ang tunay na intensyon ng lalaki sa inyong ina. Puwede tayong humusga pero maaaring nagkakamali tayo ng akala dahil hindi naman natin saklaw ang damdamin ng lalaking iyan.
Tumutol man kayo, wala kayong magagawa dahil ang bawat tao ay may kalayaang magdesisyon sa kanyang sarili lalo pa’t nasa wasto at legal na edad. Mali man o tama ang kanyang desisyon, karapatan pa rin niya iyon.
Ang magagawa lamang ninyo ay kausapin ang inyong ina at sabihin ang panganib na hinaharap niya sa pakikipagrelasyon sa isang lalaking para na niyang anak. Pero kung susunod siya sa inyo o hindi ay isang bagay na siya lamang ang makapagpapasya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended