Kapag anak ka ng Diyos
January 29, 2007 | 12:00am
Nang malaman ko na ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay ipinagkakaloob din Niya sa sinumang tumatanggap sa Kanya bilang sariling Tagapagligtas, Diyos at Panginoon sa Kanyang buhay, sinubukan ko ito sa daga.
Sa aking palagay, ang daga ay mailalarawan kay Satanas dahil itoy nagdadala ng ibat ibang sakit sa tao. Sa aming tahanan, may mga daga na pumapasok dahil dikit-dikit ang mga bahay dito. Minsan, may daga akong nakita na pumaroon sa aming basura at isinumpa ko agad siya.
"Sinabi ko, sa Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, ikaw daga ay mamamatay." Iyon nga ang nangyari sa daga. Namatay ito at natuklasan lang namin ito pagkaraan ng ilang araw dahil sa mabahong amoy nito.
Kaya pinatingnan ko sa aking asawa kung nasaan nanggagaling ang masangsang na amoy. Nakita niya ang unti-unting nabubulok na daga na naipit sa kahoy sa ilalim ng aming lababo.
Ang pangalawang pangyayari ay nang masira ang dryer ng aming washing machine. Pinatingnan ko agad ito sa repairman. Sinabi nito na wala kaming dapat alalahanin dahil ang switch lamang ng washing machine ang sira. Pinalitan agad niya ang switch at itoy gumana agad. Pero pagkaraan ng ilang linggo, nasira na naman ito.
Ipinatawag ko uli ang repairman at ang sabi niya, motor na ng washing machine ang sira. Hahanapan pa raw niya ng motor dahil medyo may kamahalan ito. Itinabi ko na lang muna ang aming washing machine habang naghahanap pa ng motor ang taong nag-aayos.
Pagkaraan ng mga ilang araw, hindi pa dumarating ang taong nag-aayos. Bigla na lamang sumagi sa aking isip na pagsabihan ko ang washing machine na itoy gumana. Ito nga ang ginawa ko. Inatasan ko ang sirang washing machine na itoy umandar sa Pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo. Pagkatapos kong sabihin ito, nilagyan ko ng damit ang dryer at sini-switch ko ito.
Bigla na lamang umandar ang dryer at hanggang ngayon ay hindi pa ito nasisira. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo na ang mga anak ay may taglay na kapangyarihan galing sa Kanya. Ang gawin lamang natin, gamitin natin ito para sa kapurihan at kaluwalhatian Niya.
Ate Mita ng Valenzuela, Bulacan.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended