Naglahong parang bula
January 11, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Warm greetings from behind bars.
Naway sumainyo ang lahat na pagpapala ng Panginoon nating Diyos.
Ako po pala si Edgar Cano, 35 years-old at kasalukuyang narito sa pambansang piitan dahil sa kasong isinampa sa akin ng mga magulang ng babaeng aking minahal nang lubos.
Taong 1991 nang dumating ang unang dagok sa buhay ko nang sunod na mamatay ang aking mga magulang. Naiwanan nila sa akin ang pag-aaruga sa dalawa kong kapatid dahil ako ang panganay.
Sinikap kong gampanan ang aking obligasyon sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho para maipagpatuloy nilang dalawa ang kanilang pag-aaral.
Napasok naman akong family driver ng isang mayamang pamilya sa Davao.
Ang naging trabaho ko ay ang paghahatid at pagsundo sa kanilang anak na dalaga na nag-aaral sa pinakasikat na paaralan sa Davao City.
Mabait si Rose. Kapag wala siyang pasok, niyayaya niya akong mamasyal at kumain sa labas. Tinatanong niya ako kung ano ang aking problema.
Nang malaman niyang ako ang nagpapaaral sa dalawa kong mga kapatid, nagulat na lang ako nang ipangako niyang tutulungan niya ako sa gastos sa pagpapaaral sa kanila.
Naramdaman ko nang kalaunan na minamahal ko si Rose. Pero ipinaglihim ko ito sa pangambang magalit ang kanyang mga magulang.
Nagtagal ang lihim kong pagmamahal kay Rose hanggang sa hindi ko na ito nakayanan. Taong 1994 buwan ng Disyembre nang sagutin ako ni Rose. Ang relasyon naming dalawa ay lihim sa kanyang mga magulang.
Pero natuklasan nila ito at hindi naman inilihim ni Rose ang aming relasyon.
Nagalit nang husto ang mga magulang ni Rose at pinalayas ako sa trabaho at pinagbantaan pa na kung hindi ko lalayuan ang kanilang anak ay may mangyayaring masama sa akin.
Hindi ko pinansin ang banta nila at pinuntahan ko sa paaralan si Rose at niyaya kong magtanan.
Nagpasya akong pansamantalang tumuloy sa isang tiyahin sa Cagayan de Oro City. Namasukan din ako doon bilang family driver.
Lalo akong nagsumikap sa trabaho nang sabihin ni Rose na buntis na siya ng apat na buwan.
Naging masaya ang pagsasama namin ni Rose. Akala ko ay wala na itong katapusan. Pero minsan ay nagulat ako sa pag-uwi ko sa aming bahay dahil maraming mga pulis na nakapaligid.
Nakita ko ang mga magulang ni Rose. Ipinahuli nila ako sa salang kidnapping.
Dahil maimpluwensiya sila at mahirap lang ako, sinampahan nila ako ng kaso at nahatulan nang 20 taon hanggang 40 pagkabilanggo.
Iyon na ang huli kong pagkakita kay Rose. Ang balita ko, dinala siya ng mga magulang niya sa Amerika at doon nagsilang ng aming sanggol.
Isang pabor lang po ang hingi ko sa inyo. Sana poy matulungan ninyo akong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Edgar Cano
Dorm 2, Maximum Compound
Dapecol, Davao del Norte
Dear Edgar,
Naway sapitin ka ng pitak na ito na nasa mahusay na kalagayan.
Mapait nga ang naging karanasan mo sa pag-ibig.
Menor-de-edad ba si Rose noong yayain mong magtanan? Iyan marahil ang sanhi kung bakit mataas ang sentensiyang iginawad sa iyo.
Sana, matanggap mo ang masaklap na katotohanang umibig ka sa isang tagalangit. Sinuway mo ang hiling ng kanyang mga magulang.
Pero sana naman, ipinagtanggol ka ni Rose sa bintang laban sa iyo. Tapos na ang lahat. Gustuhin mo mang umapela, kapos ka sa gastusin.
Magkagayunman, sana matanggap mo ang nangyari sa iyong buhay. Huwag ka nang magkimkim ng sama ng loob.
Magpakita ka ng kabutihan sa loob para mababaan ang hatol sa iyo.
Malay mo, baka sa taong ito ay isa ka sa mapapalad na mabigyan ng presidential pardon. Ipagdasal mo ito.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended