^

Dr. Love

Inferiority complex

-
Dear Dr. Love,

Sa edad kong 24, wala pa akong nagiging siyota. Marami akong niligawan pero wala ni isa ang napasagot ko. Ang dahilan, hindi ako guwapo. Tawagin mo na lang akong Mr. Hopeless

Pandak ako sa height na 5’1, mataba at maraming tigidig. Kung minsan parang gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Ang mga kaibigan ko’y kay gaganda ng mga girlfriend samantalang ako’y tatanga-tanga sa mga gimikan. Wala akong naaakbayan at nayayakap gaya nila.

Sa eskuwela ay matataas ang grades ko. Diyan ko na lang ibinubuhos ang aking oras. Sa pag-aaral.

Paano lalakas ang aking appeal?

Hopeless


Dear Mr. Hopeless,


Kung mag-oobserba ka sa paligid, maraming pangit pa sa iyo ang may girlfriend o asawang maganda. Minsan, itatanong mo sa iyong sarili, ano kaya ang nakita ng babaeng ito sa kasama niyang lalaki na ubod ng pangit?

Hindi sa pisikal na anyo nagkakatalo, iyan ang tandaan mo. Mas mahalaga ay ang kagandahang loob. Iyan ang bagay na ipakita mo at naniniwala akong may magkakagusto sa iyo.

Don’t entertain the thought of killing yourself dahil mas malaking problema ang papasukin mo. Sabi mo’y maganda ang performance mo sa school. Keep it up. Iyan ang pinakamaganda mong asset.

Kung minsan, hindi ibinibigay ng Diyos ang lahat ng magagandang katangian sa iisang tao. Pero hindi nangangahulugan na wala kang magandang katangian.

Dr. Love

vuukle comment

DIYAN

DIYOS

DR. LOVE

IYAN

MARAMI

MINSAN

MR. HOPELESS

PAANO

PANDAK

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with