^

Dr. Love

Pinugayan ng dangal

-
Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pangungumusta at nawa ay tanggapin ninyo ang liham kong ito na nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa kapahamakan.

Ako po ay isa rin sa libu-libo tagatangkilik ng inyong pahayagan at malaganap na column.

Nagkalakas po ako ng loob na magpadala ng liham para maihinga ko ang sama ng loob at naging karanasan sa pag-ibig. Taon pong 1990 nang pakasalan ko ang babaeng minahal ko sa buhay. Dahil sa kahirapan ng buhay, naisipan kong mangibang bansa para makaipon at magampanan ko ang mga responsibilidad bilang asawa at balang araw, maipagmalaki niya ako sa kanyang pamilya.

Kaya kahit napalayo ako sa piling ng aking asawa, tiniis ko ito para lang makaipon. Ang akala ko ay nakapundar na ako ng bahay at lupa at may kaunti pang naipong salapi.

Kaya naman, pagkalipas ng apat na taong kontrata, nagbalik na ako sa Pilipinas dahil sabik na sabik na rin akong makapiling ang aking asawa.

Subali’t laking gulat ko nang pagdating ko sa aming bahay, ang aking ina lang ang sumalubong sa akin nang umiiyak.

Nang tanuningn ko siya kung nasaan ang aking asawa, ang sagot niya ay sumama raw sa ibang lalaki na wala raw namang ginawa kundi magsugal, lulong pa sa bawal na gamot at ang ipinadadala kong pera kasama na ang pambili ng lupa at bahay ay nilaspag ng kanyang lalaki.

Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa natanggap na impormasyon.

Hindi ko napigil ang sulak ng aking galit kaya’t nagmamadali akong pumunta sa bahay ng aking biyenan. Doon, nadatnan ko ang aking asawa at ang kanyang kalaguyo.

Mabilis ang pangyayari. Hindi ko napigil ang aking sarili at napatay ko ang kinakasama ng aking asawa.

Kaya heto ako ngayon, nasa bilangguan. Sa kabila ng kagustuhan kong umunlad ang buhay, ibayo pa palang paghihirap ang aking kakaharapin.

Kaya po ako sumulat sa inyo Dr. Love ay para ihingi ng tanong kung tama ba o mali ang aking ginawa.

Sana po, sa pamamagitan ng column ninyo ay magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para naman ako ay muling mabigyang sigla at magkaroon ng inspirasyon sa pagsisimula kong muli sa buhay.

Gumagalang,

Bong dela Costa

c/o Pastor Jonathan Atienza,

NBP Ministries,

P.O. Box 213,

Palawan Penal Colony,

Palawan


Dear Bong,


Isa ring masaganang pangungumusta at sana, manatiling buhay ang pag-asa mo sa buhay sa kabila ng sinapit mong karanasan sa buhay.

Bagaman may karapatan kang magalit sa nangyari sa buhay mo at sa pagkakaaksaya ng lahat ng pagsisikap para mabigyan ng magandang buhay ang kabiyak, ang isinukli niya sa iyo ay kataksilan.

Pero mali ka pa rin sa paglalagay sa mga kamay mo ng hustisya para makaganti sa sinapit mong kaapihan.

Sinabi mong hindi mo napigil ang sarili dahil sa naramdaman mong kaapihan.

Sana, dinala mo sa korte ang usaping ito at hindi mo na sana dinungisan ang mga kamay mo sa pagpatay sa isang walang kuwentang lalaki.

Pero ang naganap ay nangyari na at ang magagawa mo na lang ay puspusang pagsisihan ang pagkitil mo sa buhay ng isang tao at matiim na ipangakong pagbubutihin mo ang pagbabago para paglaya mo, ang haharapin mo na lang ay isang bagong buhay.

Huwag mong kalimutan ang manalangin para matamo mo ang kapayapaan ng isip at damdamin sa karanasang sinapit mo at pagtitiwala sa isang babaeng nagtaksil sa iyo.

Sana, makatagpo ka ng maraming kaibigan na siyang makapagbibigay sa iyong bagong inspirasyon sa buhay.

Dr. Love

AKING

AKO

BUHAY

DEAR BONG

DR. LOVE

ISA

KAYA

PALAWAN PENAL COLONY

PARA

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with