Playgirl ang syota
November 1, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sana ay datnan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan. Umaasa rin ako na maitatampok mo sa iyong kilalang kolum ang sulat ko dahil tulad ng ibang sumulat na sa iyo, may problema ako sa pag-ibig.
Tawagin mo na lang akong Roman, kumukuha ng Civil Engineering sa isang kilalang pamantasan sa Maynila. May siyota ako sa kalapit na kolehiyo at mahal na mahal ko siya. Subalit marami akong hindi magandang naririnig tungkol sa kanya. Kesyo playgirl daw siya at maraming lalaki ang pinaglalaruan lang sa kanyang palad. Kahit ang mga malalapit kong kaibigan ay pinagpapayuhan akong hiwalayan na siya.
Masakit para sa isang lalaki ang makarinig ng ganyang tsismis tungkol sa isang minamahal. Minsay nakumpirma ko ito nang may binili ako sa SM Manila. Nakita ko siya at may lalaking nakaakbay sa kanya.
Hindi niya ako nakita dahil kusa akong umiwas. Nang magkausap kami, inusisa ko siya sa aking nakita. Natawa lang siya. Inamin niyang boyfriend niya ang lalaki pero hindi niya mahal kundi natutuwa lang siya na maraming lalaking naloloko sa kanya.
Sabi niya, ako ang tunay niyang mahal at huwag akong mag-alala dahil pinangangalagaan niya ang kanyang pagkababae na inilalaan lang niya para sa akin. Hindi ko matanggap ito at nakipag-break agad ako sa kanya.
Dinamdam din niya ang pangyayari dahil lagi na siyang absent sa eskuwela. Mahal kaya niya ako talaga o isa lang ako sa mga lalaking pinaiikot niya sa kanyang palad? Tama bang nakipag-break ako sa kanya?
Ano ang gagawin ko?
Roman
Dear Roman,
Tama ang iyong ginawa. Napaka-liberated naman ng girlfriend mo at may lakas pa ng loob na umamin sa iyo sa kanyang kataksilan.
Huwag mo na siyang isipin. Kung hindi siya nagpapapasok dahil masama ang loob niya sa pakikipagkalas mo, bayaan mong maging aral ito sa kanya.
Wala siyang kuwentang babae kaya humanap ka ng matino.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am