^

Dr. Love

‘Ipinagpalit niya ako sa iba’

-
Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo at ganoon din sa lahat ng mga bumubuo ng inyong malaganap na pahayagan.

Isa po ako sa libu-libong tagasubaybay ng inyong pahayagan lalo na ng inyong column.

Ako nga pala si Ricky Giataw, 28 years-old.

Base po sa naging karanasan ko sa pag-ibig, naniniwala na po ako ngayon sa awiting mali ang magmahal agad nang lubusan.

Ako po mismo ay naging biktima ng maling pagmamahal na ito. Minsan na akong nagmahal at halos buong buhay ko ay ibinigay ko sa minamahal ko na tawagin na lang nating Ms. Cancer.

Ang akala ko noon, kami ng dalawa hanggang sa wakas. Todo-todo ang pagmamahal ko sa kanya.

Masaya po ako sa tuwing kami ay magkasama lalo na kung sinasabi niya na mahal na mahal niya ako. Pero hindi naman po lingid sa aking kaalaman na kahit mag-on na kami ay marami pang umaaligid sa kanya at nanunuyo sa mahal ko.

Hindi naman ako natatakot dahil alam kong ako ang laman ng kanyang puso.

Kahit may ibang sumusundo sa kanya galing sa trabaho, balewala sa akin dahil sobra talaga ang pagmamahal ko sa kanya.

Hanggang sa dumating ang isang trahedya sa buhay ko.

Minsan, ipinagtapat niya ang mga personal niyang problema, problemang pampamilya. At ipinagtapat din niya sa akin na nais na niyang lumagay sa tahimik para matakasan ang mga problema niya.

Hindi ako pumayag sa hamon niya na magsama na lang kami. Sinabi ko sa kanya na baka lalong lumaki ang problema lalo na’t hindi pa kami kapwa handa sa susuungin naming pagpapamilya.

Nang hindi ako pumayag sa nais niya, nabalitaan ko na lang na sumama siyang magtanan sa iba.

Noon ko lang natanto na hindi niya pala ako mahal.

Hindi ko sana gustong maniwala sa nangyari pero ito ang naganap.

Hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil naging alipin ako ng bulag na pagmamahal.

Sa ngayon po, medyo nakakarekober na ako sa hirap ng loob na dinanas ko.

Ang hangad ko na lang ngayon ay magkaroon ng mga kaibigan sa panulat. Naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng column ninyo para mabigyan ako ng isa pang magandang pagkakataon na magtiwala sa tao, lalo na sa isang babae.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy na paglaganap ng inyong pitak.

Ricky Giataw


c/o Pastor Jonathan Anteza,

NBP Ministries, P.O. Box 213,

Puerto Princesa,


Palawan 5300

Dear Ricky,


Salamat sa liham mo at sana, makatagpo ka ng mga kaibigan na magiging tapat sa iyo at makakaunawa sa iyong problema.

Huwag mo nang masyadong damdamin ang paglayo ng dati mong nobya dahil mas mabuting nakilala mo siya nang maaga.

Sa kabila ng nangyari sa buhay mo at sa kasalukuyan mong kalagayan, huwag mong kalimutan na ang naganap ay nangyari dahil isa lang itong pagsubok sa katatagan ng pag-ibig mo sa Diyos.

Patuloy mong ialay ang sarili sa kanya at hilinging tatagan ang loob mo sa iba pang maaaring pagsubok sa buhay na makakaharap mo upang makita mo ang dalawang mukha ng buhay: Ang isang mukhang puno ng problema at ang isang mukha ng kaligayahan at tagumpay matapos malampasan ang lahat ng mga pagsubok sa buhay.

Good luck to you at sana ay ituloy mo ang iyong pagbabago.

Dr. Love

AKO

DEAR RICKY

DR. LOVE

ISA

MINSAN

MS. CANCER

NIYA

PASTOR JONATHAN ANTEZA

RICKY GIATAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with